^

Pang Movies

Lucy pambalanse ang pagsasayaw

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Mabuti naman at babalikan ni Rep. Lucy Torres-Gomez ang pagsasayaw na isa sa kanyang passion sa bago nitong palabas na Celebrity Dance Battle sa TV5 na magsisimulang mapanood sa March 22, Sabado, na nagkaroon ng pa-presscon last Thursday sa Annabel’s, Timog, Quezon City.

Ang Celebrity Dance Battle show daw ang magsisilbi niyang breaker sa kabila nga naman ng napaka-hectic niyang schedule mula sa Kongreso at paroo’t parito sa kanyang bayan ng Ormoc, Leyte na isa sa napinsala ng bagyong Yolanda.

Kaya sa kanyang bagong show na Celebrity Dance ng TV5 ay bawing-bawi naman siya na pamba­lanse raw niya para ma-relax naman ang nakakapagod niyang activities.

Na-miss na rin kasi ni Lucy ang sumayaw sa harap ng camera kaya excited na siya sa show. Ikinuwento ng kongresista na hindi talaga siya marunong magsayaw na-curious lang daw siya sa isang babae na nag-intermission ng flamenco dance sa isang fashion event sa Cebu na may bulaklak sa tenga. Nilapitan niya agad ang girl at tinanong lang niya kung kailangan laging may malaking bulaklak sa tenga kapag nagsasayaw. Eh fashionista siya kaya type niya ’yung ganung style. Mula noon ay lagi na siyang may bulaklak sa tenga, ’tapos nag-enroll na rin siya ng flamenco dance na nagustuhan daw niya mula noon. Sumunod ay nag-enrol siya ng ballroom dancing at saludo siya sa mga dancer dahil sa hindi lang basta-basta ito sayaw, kailangan nito ng ma­tinding disiplina.

“I respect and honor who are dancing those steps. Because there’s always a reason why they execute every movement. Hindi lang gaya-gaya,” sabi ni Lucy.

Nagtawanan ang mga tao sa sagot ni Lucy kung magsasayaw sila ng kanyang asawang si Ri­chard Gomez sa kanyang show. Ibinuking kasi nito na hindi marunong magsayaw si Goma.

“He can’t dance and I can’t act paano ba kami magsasama?” sabi ni Lucy.

Pero madali naman daw mapilit si Richard kaya hindi raw magiging problema kapag ni-request silang dalawa na magsayaw sa show niya.

Samantala, nagsimula na ang kanyang 6200: Mission Possible advocacy na namigay ng bankang de motor. Araw-araw daw siyang sumasagot sa kanyang e-mail sa rami ng mga gustong mag-inquire at makibahagi sa pag-abot sa kababayan natin sa Leyte.

Aminado si Lucy, kahit siya ay nalulungkot dahil hindi pa nasisimulan ang rehabilitation sa kanilang bayan dahil sa laki ng pinsala ng hagupit ng bagong Yolanda. ’Yung kahit ang mga daanan ay hindi pa naayos, ’yung mga bahay ay sira-sira pa rin, at ’yung mga school ay mga private sector pala ang kumikilos tulad ng Damayan Foundation ng The Philippine Star.

“Hindi ka puwedeng maghintay, kailangang maghanap, at hindi puwedeng iasa ang lahat sa government,” paliwanag ni Lucy kaya naisip niya na bigyan ng pangkabuhayan ang mga tao sa pama­magitan ng bangka.

ANG CELEBRITY DANCE BATTLE

CELEBRITY DANCE

CELEBRITY DANCE BATTLE

DAMAYAN FOUNDATION

KANYANG

LEYTE

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with