Kim masusubukan kay Julia

MANILA, Philippines - Mas bagay si Julia Montes kay Coco Martin dahil identified na si Kim Chiu kay Xian Lim. Pero ano ba ’yan, bakit bigla na lang naging si Kim ang leading lady ng Primetime King ng Kapamilya?

Sabagay, masusubukan kung sino ang lulu­tang sa aktingan paglabas ng teleserye ng dalawa.

 

Betong nawalan ng buhok sa lakas ng sampal ni Celia Rodriguez

Natanggalan ng pekeng buhok si Betong Sumaya alyas Antonietta sa programang Bubble Gang nang bigyan ng malakas na sampal ni Ms. Celia Rodriguez. Walang nakakibo sa set noong kunan ang eksena nila.

Kuwento kasi ni Betong, hindi siya nasaktan noong sampalin ni Jaclyn Jose nang minsang mag-guest din sa Bubble Gang. Pero noong si Tita Celia na ang nakaeksena ng komedyante, tumalsik ang wig niya sa lakas ng sampal sa kanya!

Nadadala pala talaga ng emotion ang dekalibreng aktres basta umaarte na sa harap ng kamera. Kaya naman proud si Betong na nakasama na niya sa eksena si Tita Celia. At saka matagal na pala niyang hinahangaan ang Bikolanang aktres.  

 

Sharon marunong makaalala

Maraming salamat sa pag-alaala ng nag-iisang Megastar Sharon Cuneta. Every Heart’s Day ay hindi talaga siya nakakalimot magpadala ng pagbati.

Sana lahat ng mga artista ay katulad ni Mega na marunong makaalala.

Sana mapanood uli siya ng fans sa Channel 2 na unang bahay niyang tinirahan.

Show comments