^

Pang Movies

Chairman Tolentino lalayasan na ang MMFF!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

May saya at lungkot sa Appreciation Party ng 39th Metro Manila Film Festival (MMFF) noong Miyerkules, March 5 sa Club Filipino in Greenhills, San Juan City. Maagang dumating si Metropolitan Manila Development Autho­rity (MMDA) Chairman at MMFF Executive Chairman Francis Tolentino at nang tawagin siya ng host na si Ms. Boots Anson-Roa, inihayag na niya na ito na ang huling MMFF Appreciation Party na dadaluhan niya.

“Ito na ang huli kong dadaluhang appreciation party ng MMFF dahil babalik na ako sa pagiging Mayor ng Tagaytay sa 2016,” simula ni Chairman Tolentino.  “Maraming salamat sa apat na taon kong pamamahala sa MMFF na magtatapos sa 40th MMFF sa December. Sa 2015, manonood na lamang ako sa inyo. Gusto ko ring magpasalamat sa lahat ng sumuporta sa festival lalo na sa 39th MMFF dahil ito ang pinaka-highest gros­s­ing festival na kumita ng may P998 million nang magtapos ito noong January 7, 2014. Very successful ito kaya binabati ko kayong lahat dahil para sa akin, lahat ng nag-participate na eight movies ay winners.

“Kaya kinalimutan ko na ang mga umatake sa akin sa ilang taong pamamahala ko, pero nagpapasalamat din ako dahil binuksan nila ang kaisipan namin na marami pang dapat baguhin sa mga susunod na festival. Marami akong natutunan sa inyo hindi lamang sa panonood ng sine kundi sa pakikipagkaibigan din dahil iba ang showbiz sa pulitika.”

Inihayag din ni Chairman Tolentino na isa sa iiwanan niya sa MMFF na by October or November, ay ang pagbubukas ng building ng Film Archives ng lahat ng mga pelikulang ipinalabas sa MMFF. Mayroon din itong 122 seat theater na tatawaging Metro Cinema na open sa lahat ng mga mag-aaral tungkol sa films.

After ng speech ni Chairman Francis, sinabi ni Ms. Boots Anson-Roa, maaari raw sa mas higher position tatakbo si Chairman sa coming 2016 elections.

Bago ipinamahagi ang mga cash prizes para sa mga winners, nagbigay muna ng Look Up, Look Up sing and dance number si Ryzza Mae Dizon with the EB Babes ng Eat Bulaga at nagawa niyang mapaakyat sa stage sina Quezon City Mayor Herbert Bautista and Diamond Star Maricel Soriano.

Tanging sina Ryzza Mae, Maricel, Pen Medina, at director Joyce Bernal ang personal na tinanggap ang kanilang cash prize incentives. Ang best actor winner Robin Padilla ay nasa Spain pa with wife Mariel Rodriguez. Best Supporting Actress Aiza Seguerra ay may show naman sa Japan, kaya tinanggap ito ni Ms. Malou Choa Fagar. Si Orly Ilacad ang tumanggap ng cash prize ng top grossing movie na My Little Bossings.

Bago natapos ang programa, ipinahayag na ni Chairman Francis Tolentino na  The 40th Metro Manila Film Festival is open! Sa mga magpa-participate na producers, ang deadline sa submission of entries for the mainstream category ay sa June 14, 2014.

APPRECIATION PARTY

BEST SUPPORTING ACTRESS AIZA SEGUERRA

CHAIRMAN

CHAIRMAN TOLENTINO

LOOK UP

METRO MANILA FILM FESTIVAL

MMFF

MS. BOOTS ANSON-ROA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with