Dating sexy star na hindi nakapag-ipon dinidelihensiya kahit siopao at kikiam
Deretsong sinabi ng isang rich, former actress na ang kanyang sexy friend ay “sobrang swapang.†Bago kasi sila magkita-kitang magkakaibigan, namakyaw ng tatlong malalaÂking supot na puno ng pagkain-siomai, siopao, kikiam, at iba pang Chinese delicacy — para sa kanilang tatlo.
Dahil hindi dumating ang isang dating artista, biglang kinuha ng sexy ang isang balot. Kaya lang pati ang supot na iuuwi ng actress sa bahay, para sa kanyang mga anak, isinilid din sa malaking bag ni sexy!
Nairita ang bumili ng mga food at sinabi ‘‘Yan ang mga mahirap sa ating mga dating artista kung hindi matututo ng ibang trabaho. Kawawa ang mangyayari kapag tumanda na. Lalo pa’t hindi na pinapansin ng mga dating mayayamang nagpasasa sa kanya.’’
Aya Medel nakaahon sa pagiging hubadera
Ang sexy actress na si Aya Medel, nagsikap matapos ang kanyang kursong culinary arts. Kaya marami siyang natutuhan tungkol sa pagluluto at sa negosyong restaurant.
Nasa finishing touches na ang sariling restaurant ni Aya na malapit nang buksan sa kanyang sariling probinsiya sa Bicol. Pinag-ipunan niya nang husto ang magarang restaurant upang magkaroon siya ng maipamamana sa kanyang mga anak.
Magsisilbing magandang halimbawa si Aya Medel sa kanyang mga kapwa artista, na pinaghandaan ang kinabukasan.
Popular actress pinarusahan ng magulang kaya nagta-taxi sa mga pinupuntahan
Nagulat ang isang taxi driver nang sumakay ang popular actress. Akala ng mamang tsuper, nasa talyer lang ang magarang kotse ng artista. Parusa pala ito ng kanyang parents dahil nakipag-date sa kanyang boyfriend ang aktres noong isang gabi.
Ano kaya ang katarungang gusto ng kanyang mga magulang?
Vic wala pa ring alok na kasal kay Pauleen
Sa mga pahayag ni Pauleen Luna on TV, obvious na hindi pa siya niyaya ni Vic Sotto ng kasal. Magulo kasi ang kanyang mga sagot. At least hindi naman siya umaasa na maging susunod na Mrs. Vic Sotto.
Alam ni Pauleen kung saan siya lalagay. Kaya naman nag-e-enjoy na lang siya while it lasts. Bata pa naman siya at marami pang mga eligible bachelors ang magkakagusto sa kanya.
Asawa ni Wally nahihiya pa rin
Agad inamin ng misis ni Wally Bayola na nasakÂtan siya nang mapanood ang sex video ng kanyang mister with the EB Babes. ‘‘Kahit sino namang asawa masasaktan, lalo na sa nangyari kay Wally na sobrang na-exposed sa video.’’
Naku huwag kang masyadong tutungo kapag nagÂlalakad at baka madapa ka pa, Riza. At least hindi naman ikaw ang nabilad sa kahihiyan.
Pamilya Gutierrez hahataw sa E
Ang E! Entertainment Channel ang magpapalabas ng It Takes Gutz to be a Gutierrez. Sa Singapore at ibang karatig lugar tutukan ang kabuuan ng TV Special at ibang Asian countries.
Sana habang nandoon sa Lion City, makipag-ayos ang Gutierrez clan ng isang live show. Extra income ito para sa kanila at marami pa silang matutulungang mga Pinoy na nangangailangan doon, lalo na ang mga OFW na illegal ang mga papeles.
- Latest