^

Pang Movies

Mag-asawang sumulat ng Let It Go inspirasyon ang magaling na theater actress

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Isang phenomenal hit na ang song na Let It Go na mula sa soundtrack ng hit Walt Disney animation na Frozen.  

Ang naturang song na isinulat ng Filipino-American na si Robert Lopez at ng kanyang misis na si Kristen Anderson-Lopez ay may iba’t ibang version na mapapanood sa YouTube.

Na-feature sa programang Inside Edition ni Deborah Norville ang pagi­ging popular ng song among children at pati na sa mga matatanda. Ipinakita sa show ang pag-awit sa Let It Go sa iba’t ibang paraan — may a capella, acoustic, at may live choir version pa ito na inawit sa Good Morning America.

Ang Tony award-winning actress na si Idina Menzel ang umawit ng Let It Go sa soundtrack ng Frozen samantalang si Demi Lovato naman ang nag-record para sa commercial release nito.

Naging instant hit sa US music charts ang single nang i-release ang Frozen soundtrack noong October 2013 at mabilis na umakyat sa music charts sa iba’t ibang bansa at nanalo na ng maraming awards.

Si Robert Lopez ay isang Emmy, Grammy, at Tony Award-winning songwriter ng mga musical na Avenue Q at The Book of Mormon.

Ipinanganak siya noong Feb. 23, 1975 sa Greenwich Village in Manhattan, New York. His father is half-Filipino but his grandfather is pure Filipino while his grandmother is Filipino-Scottish-American.

Nakapag-aral siya sa Yale University sa arts degree in English.

Ang Let it Go ang unang song na isinulat ng mag-asawang Robert at Kristen para sa isang pelikula at kumuha nga raw sila ng inspiration mula sa mga Disney film na The Little Mermaid and Beauty and the Beast.

Sinulat nila ang song para kay Idina Menzel na ang pagkaka-describe nila ay “One of the most glorious voices of Broadway and an icon in musical theatre.”

Nakilala si Idina Menzel dahil sa mga hit musical na Rent, Hair, at Wicked.

“When we wrote Let It Go we already had Idina in mind. She was such a great Elsa.

“And then when Disney came back and said ‘We want to do a different version’ and this time it was with Demi Lovato. But we love both versions,” pahayag ni Robert sa kanyang interview sa website na Hit Fix Music.

Nadine ayaw sirain ang big break na nakuha

Big break para sa young star ng Viva Films na si Nadine Lustre ang maging bida sa pagsasapelikula ng best-selling teen novel na nagsimula sa Wattpad.com na Diary ng Panget na isinulat ni Denny a.k.a. Have You Seen This Girl na nagsimula noong 2011 at nakakuha ito ng 12 million reads.

Nang gawin itong paperback series, naging best-seller ito noong 2013.

Si Nadine ang gaganap sa lead role na Eya Rodriguez, isang pangkaraniwang teenager na pinapangarap na makilala niya ang kanyang magiging Prince Charming despite her unusual physical beauty.

Hindi nga ini-expect ni Nadine na siya ang mapipiling bida sa Diary ng Panget: The Movie dahil marami raw silang nag-audition para sa role na ito.

“Si Ate Denny po mismo ang pumili sa akin. Sabi po niya ay sa akin daw niya nakita ang pagkakasulat niya ng character ni Eya. Hindi raw sa physical kundi ’yung pagkatao ni Eya.

Ito ang pinakamalaking role na gagawin ni Nadine sa pelikula kaya hindi rin siya makapaniwala na ipinagkatiwala sa kanya ang role na Eya.

“Happy po ako dahil ito na nga ‘yung big break na matagal ko nang hinihintay. Tamang-tama lang ang pagdating ng Diary ng Panget dahil I just turned twenty years old last year at ready na raw ako para sa mga ganitong mga teen romance role,” sabi ni Nadine.

 

ANG LET

ANG TONY

AVENUE Q

DEMI LOVATO

EYA

IDINA MENZEL

LET IT GO

NADINE

PANGET

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with