^

Pang Movies

Regine hirap na hirap pang mag-move on kay Mang Gerry

MASA...RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

It is really hard to cope with misery and move on, lalo’t ang pumanaw ay mahal na mahal mo. Si Ogie Alcasid mismo ang nagkuwento na hirap pa si Regine Velasquez to get over with the great loss of his dad, Mang Gerry.

Ang sabi ni Ogie, kumukuha ng lakas si Regine sa kanyang pamilya, lalo na sa kanilang anak na si Nate. Nahihirapan pa ang Songbird na humarap sa live audience, na hindi mapigilan ang pagluha.

Michael Christian P30,000 ang kailangan sa ensayo araw-araw

Muntik na palang hindi matuloy noon ang historic performance ni Michael Christian Martinez sa figure skating finals ng Winter Olympics sa Iceberg Skating Palace in Sochi, Russia.

Nagkaroon ng injury ang unang Pinoy at Southeast Asian na pumasok sa finals ng worldwide contest sa kanyang preliminary show. Pinigilan siya ng Olympics doctor na tumuloy sa finals. Gusto ng mga official doon, mag-withdraw na si Michael.

Nagpilit lang ang magiting na Pinoy at sinabing kaya niya, kaya pinayagan.

Tuloy ang kanyang ensayo para lumaban sa isang timpalak sa South Korea at sa World Junior Skating Championship sa Bulgaria this March. Hanggang ngayon ay naghahanap pa si Michael ng mga sponsor upang tustusan ang magastos niyang pagsasanay.

Kailangan niya ang at least P30,000 sa isang araw para iba­yad sa inaarkilang skating rink at sa kanyang coaches and trainers. (FYI : Naglunsad po ang The Philippine Star ng fund-raising campaign for Michael Christian Martinez. For those interested to give financial assistance that will go a long way in providing Michael the training he needs, please deposit directly to the following accounts:

Bank of the Philippine Islands

Account Name: Maria Teresa Martinez

Account #3160-0014-87

Swift Code – BOPI PHMM

Address: National Road, Muntinlupa City, Philippines

Branch Code - 316

Banco de Oro

Account Name: Maria Teresa Martinez

Account #000208015854

Swift Code - BNORPHMM

Branch Code - 020

Address: Alabang, Muntinlupa, Philippines

 

Ang deposit slips ay puwede pong i-e-mail sa [email protected] for acknowledgment and will be sent to Michael’s family. - SVA)

Justin dinaig pa ang kriminal sa Florida, pinaghubad

at ikinulong

Daig pa pala ang kriminal sa tinanggap na treatment ni Justin Bieber nang mahuli sa Florida na driving under the influence at expired na ang driving license.

Kinapkapan siya sa buong katawan at pinag­hubad pa ng sapatos at medyas at ikinulong sa isang detention cell!

Anne kulay sariwang bisugo ang kaliskis

 Ipinapakita na sa TV ang bagong Dyesebel na si Anne Curtis. Maganda ang kanyang simpleng costume at kulay sariwang bisugo ang kaliskis ng bahaging sirena ng katawan ng aktres.

Kasali sa formidable cast sina Zsa Zsa Padilla, Gabby Concepcion, Dawn Zulueta, AiAi delas Alas, at Gerald Anderson as Fredo. Hindi lang natin alam kung sino ang gaganap na bruhang si Bangenge.

Fil-Am composer inaabangan kung mananalo sa Oscars

Malalaman na natin sa Lunes ng umaga kung si Robert Lopez ang unang Fil/Am ang magwawagi ng Oscars award. Finalist ang kanyang kantang Let It Go (from Frozen) sa best song category. March 2 ang Academy Awards pero sa susunod na araw pa ito sa ating bansa.

Kung nakapangampanya ng husto si Lopez to get enough votes to take home an Oscar statue, magdiriwang ng husto ang mga Pinoy sa Hollywood at sa buong Amerika.

Inaabangan na rin ang mga isusuot na damit ng mga star habang papasok sila sa red carpet. Sino kaya ang maging scene stealer? Last year, humaba ang exposure ng Chanel gown ni Jennifer Lawrence nang siya ay madapa. Sino naman kayang mga Pinoy designer ang malalagay sa limelight dahil isusuot ng mga popular star ang kanilang creations?

Composer nina Kuh at Gary bibida sa concert-tribute sa New York

Isang concert-tribute to Cecille Azarcon ang itatanghal sa New York’s Symphony Space on April 27. Itatampok ang mga hit song ng lady tune weaver in 35 years, tulad ng Even If, How Did You Know, at I Think I’m In Love.

Malamang na makasali sa mga performer ang mga popular artist na naglabas ng hit records ng mga kanta ni Cecille, tulad nina Kuh Ledesma at Gary Valenciano. Magiging big event ito ng Fil/Am community sa New York City at itatampok din ang Manila sound sa show.

Young actress nagmukhang ate ni Maricel

Nagdiwang ng kanyang ika-50 kaarawan si Maricel Soriano noong Feb. 25.

Higit na younger looking ngayon si Maria. Kaya nang makaeksena niya ang isang young actress, nagmukhang ate ni Maricel ang kasama nang sila’y i-close up!

vuukle comment

ACCOUNT NAME

BRANCH CODE

MARIA TERESA MARTINEZ

MICHAEL CHRISTIAN MARTINEZ

NEW YORK

PINOY

SWIFT CODE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with