Coco malakas ang kabog ng dibdib ‘pag kasama si Kim
MANILA, Philippines - Ambisyoso ang pagtatambalang teleserye nina Coco Martin at Kim Chui na Ikaw Lamang. Period love story ang konsepto nito na kinunan ang maraming bahagi ng kuwento sa tubuhan sa Bacolod City. Suportado rin ng mga award-winning artists gaya nina Cherie Gil, Tirso Cruz III, Cherry Pie Picache, at Ronaldo Valdez ang nasabing serye.
Sa totoo lang, aminado si Coco na mas ninerbyos sila nang malamang lalabas silang lovers ni Kim. Sa pinagsamahan kasi nilang Tayong Dalawa at Kung Tayo’y Magkakalayo, walang pag-ibig na namagitan sa kanila.
“Nu’ng sa Tayong Dalawa, asungot lang ako doon. Kumbaga, ako po ‘yung kontrabida. ‘Yung sa Tayo’y Magkakalayo, magkapatid kami roon ni Kim. Mas nabigyan kami ng chance na makapag-bonding. Mas may eksena kami compare sa Tayong Dalawa.
“Ngayon po, medyo matagal din ang panahon na hindi kami nagsama. Then, minsan, dumarating ang point nagkikita kami ni Kim sa mga occasion na lang or dito sa ABS-CBN.
“So ako bilang artista, nanonood din ako ng mga soap opera and then, nakita ko talaga kay Kim ‘yung pag-grow niya. ’Yung pagiging mature niya bilang artista. Bilang tao. Ngayon talaga, mapapansin ninyo na napakagaling na niya!
“Siyempre mas na-excite ako at may pressure na dahil magkakatrabaho kami ulit. Siyempre medyo matagal din kaming hindi nagkatrabaho. Siyempre, ‘yun nga. Magaling eh. ‘Pag ganoon kasi nakaka-pressure rin!
“Sana, sana, ‘yon! Sana makasabay! Ninerbiyos po ako! Ha! Ha! Ha!†pahayag ni Coco sa pocket presscon ng serye. “Ninerbyos ako bigla! Ha! Ha! Ha!†ulit pa ng award-wnning actor.
“Ako naman, kilala ko si Coco na napakaraming best actor awards! Isa pong malaking karangalan sa akin ang makaparehas ang isang Coco Martin! Dahil sigurado akong marami akong matututunan bilang artista lalung-lalo na sa larangan ng drama. Lalo na ngayon na period ito, iba ang atake, iba ang salita!†tugon naman ni Kim.
Ninerbyos man kay Kim, ginagawa ni Coco ang lahat upang ma-relax habang kasama sa taping ang aktres.
“Kumbaga, gusto kong magkaroon kami ng connection, sa trabaho namin at sa mga eksena. Para hindi ako mailang at hindi rin siya mailang sa akin! Siyempre gusto ko ring iparamdam sa kanya na bilang lalaki, lalo na’t nakatrabaho ko siya ngayon, mataas ang respeto ko sa kanya!
“Kung sakaling may ginagawa kang eksena na medyo delikado, nararamdaman niya na hindi ako nagti-take advantage! Totoo naman po ‘yon,†saad ng aktor.
Aminado siyang nagagandahan kay Kim.
“Honestly, sa movie nila ni Xian Lim, sobrang cute niya doon! Talagang…Kasi nu’ng pinanonood ko ‘yon, siyang-siya ‘yon. ‘Yung pagiging funny niya.
“Ang ganda! Ang ganda ng mukha eh! Actually, Walang Hanggang days pa, lagi namin siyang pinagkukuwentuhan ni Goma (Richard Gomez). Gandang-ganda kami sa kanya! Ha! Ha! Ha!†deklara ni Coco.
- Latest