^

Pang Movies

Al hindi naisip na papalitan si Roy

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Napapanood pala ni Al Tantay ang afternoon prime ng GMA 7 na Villa Quintana kaya alam niya ang story nito. Nang mabalitaan niyang pumanaw na si Roy Alvarez who played the role of Don Manolo, ni hindi raw sumagi sa isip niya na siya ang papalit sa character nito. Kahit nang tawagan siya ng manager niyang si June Rufino na may offer sa kanya ang GMA, wala siyang ideya kung ano ang project na gagawin niya. Tamang-tama naman na natapos na ang taping niya ng Got to Believe sa ABS-CBN, kaya wala namang problema. Nagulat din siya nang malamang sa Villa Quintana pala siya ipapasok. No problem daw naman sa kanya dahil kilala at friend niya ang direktor nitong si Gina Alajar, ganoon din sina Raymart Santiago, Paolo Contis, at Sunshine Dizon. Ang bago lamang niyang nakilala at makakasama ay sina Elmo Magalona at Janine Gutierrez na siya niyang unang nakaeksena sa first taping niya ng soap.

Nakumusta namin kay Al ang dalawa niyang anak na babae kay Rio Locsin at nagulat kami na ang eldest pala nila ay 33 years old na, single pa. Until now, hindi pa rin pala sila nag-uusap ni Rio pero hindi naman nito binabawalan ang mga anak na makipagkita at makasama siya kung weekends. Masaya nga raw siya dahil ang panganay niya ay pansamantalang sa kanya muna mag-stay para malapit ito sa work niya somewhere in Ortigas Center, Pasig City. Nasa Parañaque raw kasi si Rio.

Mapapanood si Al bilang si Don Manolo sa first week of March. 

 

Kristoffer at Joyce nagbabalikan?!

Hindi malayong magkabalikan ang dating mag-sweetheart na Kristoffer Martin at Joyce Ching. Kahit kasi si Kim Rodriguez ang leading lady ni Kristoffer, magkasama naman sila ni Joyce sa pre-primetime drama series na Paraiso Ko’y Ikaw.

Tanya napagkamalang si Roi Vinzon ang namatay

Wala si Tanya Garcia nang yumao si Roy Alvarez, nasa States daw siya noon, pero nalaman na lamang niya iyon nang nasa Singapore na siya at hindi raw siya naniwala. Inisip pa raw niyang baka si Roi Vinzon pero nag-sorry siya nang ma-realize na mas bata naman si Roi V. kay Roy A. Pero hindi raw siya makapaniwala na yumao na si Roy dahil bago siya umalis, nag-taping pa sila ng Quintana, at magkakasama sila sa tent at masayang nakikipagkuwentuhan sa kanila ang mahusay na character actor.

 

vuukle comment

AL TANTAY

DON MANOLO

ELMO MAGALONA

GINA ALAJAR

NIYA

ROI VINZON

ROY ALVAREZ

SIYA

VILLA QUINTANA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with