^

Pang Movies

Dating sikat na aktres purdoy na sa Amerika

FREELANCER - Emy Abuan Bautista - Pang-masa

Dating sikat ang magandang aktres na nakapag-asawa ng napakayamang Intsik na businessman. Pero hindi rin nagtagal ang kanilang pagsasama dahil hindi na nakauwi ng bansa ang mag-asawa. Balitang maraming pagkakautang ang asawa ng aktres. At tuluyan na ngang nagkahiwalay ang dalawa.

May nakapagbulong sa akin na purdoy na ngayon ang sikat na aktres at solong namumuhay sa Tate. Hindi na umuwi ng Pilipinas ang aktres at tinitiis na lang ang kahirapan doon.

Luis at Angel parang parating nasa alapaap

Parang laging nasa cloud nine ang magnobyong sina Angel Locsin at Luis Manzano. Totoo nga ang kasabihang love is lovelier the second time around.

Kahit ang mga manonood ay damang-dama kung gaano kamahal nina Luis at Angel ang isa’t isa. Feel mo ito sa titigan pa lang ng kanilang mata.

Kinilig ang mga manonood nang mag-guest si Angel sa Minute to Win It.

Bago matapos ang programa ay nagyakapan ang mag-dyowa, hinalikan ni Luis ang aktres sa noo, sabay turo at pagsasabing “my girlfriend.”

Matagal ko nang kakilala si Angel at bumilang na rin ito ng karelasyon pero ngayon ko lang nadama kung gaano talaga nito kamahal ang aktor.

Si Luis talaga ang kabuuan ng pangarap ni Angel gayun din ang aktres sa kanyang actor-TV host boyfriend.

Jay sawa nang mambabae pagkatapos ng 11 anak

Inamin ni Jay Manalo na apat ang naging asawa niya at nagkaro’n ng 11 anak. Pero tumino na siya sa ika-apat na asawa na si Karen at tigil na ang pambabae.

Malaki ang nagawa sa buhay niya si Karen dahil dito na siya pumisan at nagkaro’n din ng anak, ang eldest ay 11 years old na.

‘‘Ayaw ko na ng night life, barkada, at mas gusto kong maglagi na lang ng bahay with my family,’’ sabi ng aktor.

Ipinakita niya sa amin ang photo ng mga anak at ma­gagandang bata ang mga ito. Papayag ba siyang mag-artista ang isa sa kanila?

‘‘Pag-aaral muna bago mag-artista. Baka ’pag pumasok sila sa showbiz ay tamarin na sila sa pag-aaral,’’ sabi ni Jay.

vuukle comment

ANGEL

ANGEL LOCSIN

AYAW

JAY MANALO

LUIS

LUIS MANZANO

PERO

SI LUIS

WIN IT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with