Karylle komportable sa engagement party na wala si Vice Ganda
Kahit nakipag-ayos na si Karylle kay Vice Ganda at nagpadala pa siya ng flowers with a letter sa beki, tama pa rin ang desisyon na sa ASAP gawin ang engagement party nila ni Yael Yuzon.
Sa Sunday noontime show, relaxed na relaxed ang couple. Kung sa It’s Showtime pa ito idaraos, tiyak na magiging tensiyonado ang mga malapit nang ikasal. Hanggang ngayon ay nililihim pa ang venue ng kasal upang maging very private at hindi dumugin ng mga tagahanga.
Magiging comfortable rin sa mga celebrity guest kung walang fans na maaaring makagulo sa pormal na okasyon.
Amy namamayagpag sa pagbalik sa Dos
Maraming nagtatanong kung bakit pumayag si Wilma Galvante na ibalik sa Face the People (dating Face to Face) ang mga original na Trio Tagapayo. Simula kasi ng hawakan ng content officer ang palabas, kasabay na niyang pumasok ang mga sosyal na counselors na mahihirapang maka-relate sa masa.
Pawang mga mukhang artista o beauty queen kasi ang higit na mga batang adviser kaya’t puwede silang ipasok sa mga teleserye o telemovie. Pero hindi tiyak kung nakakaranas sila ng mga baduy na problema ng mga nasa show.
Samantalang ang original host ng Face to Face na si Amy Perez biglang namayagpag pagbalik sa Kapamilya Network. Kasali na siya sa dalawang TV shows (Umagang Kay Ganda at The Singing Bee) at sa Teleradyo program na Sakto.
Ewan lang kung nagpiprito pa rin siya ng galunggong o ibang isda, na gamit ang extra virgin olive oil.
Inspiring show ng TV5 dinadayo ng mga cardinal at bishop
Right after the TV5 Sunday mass ang telecast ng Power to Unite with Elvira, at seven in the morning. Ang multi-awarded show, hosted by Tita Elvira Tan, ay pinarangalan pati na sa New York TV and movie festival.
Noon ay si Direktor Brillante Mendoza ang may hawak ng Power to Unite kaya obvious kung bakit makatuturan kahit simple lang ang palabas.
Very inspiring ang Power to Unite, na nagpapalabas ng mga interview with archbishops, cardinals, priests, and outstanding Catholic families. Last Sunday, guest ni Tita Elvira si Cardinal Luis Antonio Tagle at maaaring sa susunod na Linggo ang bagong hirang na si Cardinal Orlando Quevedo ang panauhin.
Siya ang unang cardinal na based in Mindanao na naÂging bagong Prince of the Church sa pasinaya ni Pope Francis last Sunday na dinaluhan ng nag-retire na si Pope Benedict XVI.
Palihim na pumasok sa St. Peter’s church si Pope Benedict para manood ng seremonyas.
Ayen Laurel gagawa ng bonggang musical pagbalik-eksena
Ano kayang bonggang stage musical ang pagbibidahan ni Ayen Munji Laurel kapag hindi na siya busy sa pag-aalaga ng bagong baby Sofia nila ni Franco Laurel, at may go signal na ang doctor na puwede na siyang magtrabaho?
Gusto kasi ng bagong manager ni Ayen na si Popoy Caritativo na maging talk of the town ang comeback vehicle ng singer/actress.
Mga celeb nagiging busy sa iba’t ibang festivals
Dumalo sina Jake Cuenca, Angeline Quinto, at Shirley Halili-Cruz and her ballet company sa very successful na Tinagba Festival in Iligan City.
Sina Pauleen Luna, Rafael Rossell, at Camille Prats ay nagtanghal naman sa Bacolodia Festival in Bacolod City.
Sa dami ng mg sunud-sunod na festival sa iba’t ibang probinsiya, nagiging very busy ang mga artista.
Aktres hindi na pinapansin ng mga tao sa parada ng Panagbenga
Sabi ng mga balikbayan from California, higit na bongga ang Panagbenga Flower Festival sa Baguio sa kanilang Pasadena Parade of Roses every New Year. Ang Panagbenga na isang buwan idinaraos from Feb. 1 to March ay sa Session Road in Bloom this last week.
Nakita nila ang isang former actress na hindi na pinapansin ng mga tao kahit nagkalat sa parada. Baka naman mukhang lantang bulaklak na ang artista.
- Latest