Naudlot na Super Kap ni Sen. Bong tuloy na
MANILA, Philippines - Sina Senators Juan Ponce Enrile at Jinggoy Estrada lang ang idiniin ng bagong state witness na si Ruby Tuason sa pork barrel scam. Hindi kasama si Sen. Bong Revilla, Jr. Natuwa naman ang kampo ng senador-aktor dahil kung isinama pa siya, panibago na namang sakit ng ulo.
May nakapagsabi sa amin na itutuloy na raw this year ni Sen. Bong ang pelikula niyang hindi naisama sa Metro Manila Film Festival nung nagdaang taon, ang My Super Kap. Okay na kasi ang schedule ni Toni Gonzaga, hindi gaya last year. At kumikita pa ngayon ang Starting Over Again ng aktres kaya lalong may tsansa sa takilya ang dalawa.
Kung mabibigyan din ng magandang pagkakataon, itutuloy din ng senator at ng buong pamilya ang pagbisita nila sa Holy Land ngayong darating na Marso. Sabi ni Sen. Bong, hindi pa man nadadawit ang kanyang pangalan sa usaping pork barrel at nakaplano na sila.
Derek walang sinayang na sandali sa love scene kay Angel
Kaabang-abang ang Bawat Sandali ng TV5 tampok sina Derek Ramsay at Angel Aquino. Bale ito ang huling episode ng Studio5 Original Movies na mapapanood sa Feb. 25, alas-otso ng gabi. Ang istorya ng telesine, na-in love si Derek kay Angel kahit alam nitong may asawa’t anak na ang babae. Mahal naman ni Angel ang asawang si Yul Servo at ganun din si Yul sa kanya subalit may kulang na “init†sa gabing malamig.
Sabi ni Yul, kahit anong busy daw niya bilang konsehal sa Maynila, basta may magandang offer sa TV ay isinisingit niyang magkaroon ng oras dahil ’di niya kayang talikuran ang pag-arte. Isa pa, tatanggihan daw ba niya ang alok kung ang mismong manager niyang si Direk Maryo J. Delos Reyes ang kausap sa proyekto?
Marami tiyak ang maiinggit kay Derek sa love scene nila ni Angel dahil bawat sandali ng maikli nilang pagkikita ay ’di sinasayang ng aktor.
- Latest