^

Pang Movies

Nabuking sa Internet cafe jokes nina Rufa Mae and Gladys scripted

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Hindi maingat ang scriptwriter ng concert nina Rufa Mae Quinto at Gladys Guevara sa Music Museum noong Miyerkules. Apparently, nagkaroon ng revision sa script at ginawa ito ng scriptwriter sa isang Internet shop.

Naging careless ang scriptwriter dahil hindi niya binura ang script ng concert nina Rufa Mae at Gladys kaya nabasa ito ng ibang mga gumamit sa computer ng Internet shop. Nabuking tuloy na si Alden Ri­chards ang special guest at scripted na scripted ang jokes nina Rufa Mae at Gladys. Paano na lang kung top sec­ret o confidential ang mga dokumento na hinayaan ng scriptwriter na nakabuyangyang sa Internet shop na open sa publiko? Buking na agad ang sikreto nila?

Rap walang interes sa kasal

Ikinagulat pala ng mga reporter ang statement ni Rap Fernandez sa presscon ng Innamorata na hindi siya naniniwala sa kasal. May reason para magtaka ang mga reporter sa sinabi ni Rap dahil happily-married ang kanyang mga magulang na sina Rudy Fernandez at Lorna Tolentino.

Malalim na bata at masyadong matalino si Rap kaya iba ang mga pananaw niya sa buhay. Magkaibang-magkaiba sila ng ugali ng kanyang younger brother na si Renz na what you see is what you get ang ugali.

Ang dami-daming alam ni Rap dahil mahilig siya na magbasa at mag-surf sa Internet.  Siya ang artist ng pamilya dahil magaling din siya na mag-sketch at magpinta.

Kahit kadikit ni Tita Cory noon Rep. Lito hindi happy kay P-noy

Hindi happy si Buhay Party List House Representative Lito Atienza sa pamamalakad ni P-Noy. Naging prangka si Papa Lito nang sabihin nito sa mga showbiz reporter na hindi siya happy sa mga proyekto ng administrasyon at sa mga batas na ipinatutupad ng pangulo.

Inisa-isa ni Papa Lito ang mga lumalala na problema ng ating bansa, mula sa peace and order situation, pork barrel scandal hanggang sa smuggling.

 â€œI wish him well. Gusto ko na maging successful siya pero hindi sensitive si P-Noy,” ang sey ni Papa Lito na malapit kay former President Cory Aquino at idol si Senator Benigno Aquino.

Beterano na si Papa Lito sa pulitika at public ser­vice kaya alam niya ang kanyang mga sinasabi tungkol kay P-Noy at sa administrasyon nito.

Wala nang plano si Papa Lito na magsilbi bilang alkalde ng Maynila. Sapat na raw ang mga nagawa niya noon, kabilang ang pagpapaganda at paglilinis sa Maynila na hindi pinahalagahan ng administras­yon na sumunod sa kanya.

Minana ni Papa Erap Estrada ang mga problema na iniwan ng kanyang predecessor. Alam ni Papa Lito ang napakalaking responsibilidad na na­kaatang ngayon sa balikat ng dating pangulo ng Pilipinas dahil sa mga problema na iniwan ng nakaraang admi­nistrasyon.

Ipe lumulutang na kapalit ni Roy

Ang pangalan ni Phillip Salvador ang lumitaw sa mga aktor na possible replacement ni Roy Alvarez sa Villa Quintana ng GMA 7.

Marami ang agree na bagay kay Ipe ang karakter na ginagampanan ni Roy sa afternoon teleserye ng Kapuso Network.

Nakapag-advance taping si Roy para sa Villa Quintana kaya hanggang kahapon, napapanood ang kanyang mga eksena. Naloka nga ako nang malaman ko na marami ang hindi aware na namatay si Roy noong Martes dahil sa heart attack, to think na sinusubaybayan nila ang Villa Quintana  at kilalang-kilala nila si Don Manolo Quintana, ang karakter na binigyang-buhay ni Roy.

vuukle comment

ALDEN RI

LITO

P-NOY

PAPA LITO

RUFA MAE

VILLA QUINTANA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with