^

Pang Movies

Rita Avila may dala raw suwerte sa mga baguhang artista

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kapuna-puna na tuwing may bagong ilo-launch na magbibida ang GMA 7, hindi nawawala sa casting ang batikang aktres na si Rita Avila. Parang may taglay siyang suwerte sa mga baguhan sa tuwing kasama siya. Natawa lang ang aktres, noong makatsikahan namin siya sa taping ng Inamorata sa Antipolo.

Nagkakataon lang daw, pero natutuwa rin siya, dahil sa paniniwalang baka nga makatulong siya.

Bida si Max Collins sa naturang teleserye. Magaling umarte si Max, napatunayan na ito noong magtambal sila ni Dingdong Dantes. Masaya si Rita na makasama sa serye ang dating kasamahan sa Seiko Films na si Leandro Baldemor, bilang asawa.

Masaya rin ang feeling ni Leandro Baldemor ngayon. Sunud-sunod kasi ang raket ng actor buhat nang mapunta sa GMA. Sa nakaraan niyang serye, hired killer ang role niya. Magaling umarte si Leandro, na minsan ding inalok mag-pulitiko noon sa Pakil, Laguna. Pero ayaw niya sa Pakil, Laguna kahit pa doon pa umuuwi ang dating nurse na aktor. Mayroon siyang tindahan ng mga antique images of patron saint sa naturang bayan, kung saan kababayan niya si Dion Ignacio.

Coco pinaiiwas sa inuman

May mga tagahanga na nagsa-suggest, sana raw huwag maglalagi si Coco Martin sa The Fort, lalo’t may kuwentong inuman. Nakakatakot kasi sila dahil marami nang nagiging biktimang artista ng ABS-CBN na nagpupunta doon. Hindi nga ba sina Anne Curtis at Vhong Navarro ay naka-encounter ng ganoon sa Global City? Sabi nila, kapag sikat na celebrity, kursunadahin ng mga nag-iinuman doon na gustong gumawa ng pangalan. Sa ibang lugar na raw sana uminom sina Coco lalo pa ngayong producer na rin siya ng Padre de Pamilya.

Tiyak kaming masaya ang mga dating handler niyang sina Ehman Isturco at Coco Simon. Sila kasi ang kontak namin tuwing kailangang maisama si Coco for motorcade events, wala pang masyadong pumapansin kay Coco noon maliban sa sabi lang na pogi, sabay tanong sino po siya?

                                      

vuukle comment

ANNE CURTIS

COCO MARTIN

COCO SIMON

DINGDONG DANTES

DION IGNACIO

EHMAN ISTURCO

GLOBAL CITY

LEANDRO BALDEMOR

MAGALING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with