^

Pang Movies

Kaso ng rice smuggling natatabunan ni Vhong

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Akala namin kung ano iyong breaking news na ipalalabas sa telebisyon dahil pinutol pa nila ang regular programming para bigyang daan ang balita, iyon pala manunumpa lamang si Vhong Navarro sa piskal kaugnay ng kanyang isinampang kaso laban kina Deniece Cornejo, Cedrick Lee, at iba pa. Incidentally, may ilan pang kabilang sa mga suspect na hanggang ngayon ay hindi pa humaharap para sa imbestigasyon.

Iyang kaso ni Vhong Navarro, blown out of proportion na. Una, kung iisipin mo, ang kasong physical injuries at maski na iyang illegal detention ay isang “police matter”. Dapat sana iyan naimbestigahan ng pulisya sa Taguig, at naisampa ang kaso sa piskalya sa Taguig kung saan naganap ang pagbubugbog sa kanya. Ang nangyari, NBI na ngayon ang lead team sa imbestigasyon at sa mismong DOJ na isinampa ang kaso.

Mag-iisip ka tuloy, dahil ba sikat si Vhong Navarro kaya kumilos nang ganoon na lamang ang halos lahat ng ahensiya ng gobyerno?

May narinig pa kaming kuwento, dinalaw pa raw siya ni DILG Secretary Mar Roxas para sabihin sa kanyang hindi nagpapabaya ang pulisya, at tutulungan siya sa kaso. Aba, lahat yata ng government agencies at mga pulitikong may ambisyong kumandidato sa 2016 nakikisawsaw na sa kaso ni Vhong. Ang nakakatakot niyan, sa rami nang nakikialam, ang maging ending ay wala ring mangyayari.

Marami na ang nakakahalata, puro na lang kaso ni Vhong Navarro ang pinag-uusapan. Ano na ang nangyari sa kaso ni Janet Lim Napoles? Makakasuhan pa ba si Davidson Bangayan ng rice smuggling? Kasi hinuli siya dahil sa pilferage lamang, at nakapagpiyansa na. Mukhang mas mabilis ang NBI sa kaso ni Vhong kaysa sa kaso ng rice smuggling. Bakit kaya?

Dion nagpakita ng husay sa aktingan

Natutuwa kami at nabigyan na naman ng role si Dion Ignacio ds bagong serye ng GMA 7, Innamorata. Hindi namin kaibigan iyan, pero nakikita namin na mahusay siyang umarte. May personalidad din naman ang bata at si­guro nga kung talagang mabibigyan lamang ng pagkakataon, aba eh mas may chance iyan kaysa sa ibang nagbibida-bidahan na hindi naman marunong umarte. At least iyang si Dion, sa ilang napanood naming ginawa niyang drama sa TV, makikita mo naman na may abilidad na umarte.

Kung titingnan mo naman ang hitsura, mukha namang puwedeng bida talaga. Hindi mo nga lang malaman kung ano ang naging problema at naunahan pa siya ng ibang mas baguhan, pero naniniwala kami na kung seser­yosohin lang ng batang iyan ang kanyang career, at mabibigyan naman ng chance, papasa iyan.

Brazilian ipinagpalit ng GF sa matanda

Namumula na lang daw ang isang Brazilian model kung tinutukso ng mga kakilala na mukhang gusto siyang balikan ng kanyang “ex”. Pero ang sinasabi nga raw ng Brazilian, “not anymore”.

Mukha raw kasing nagsisi na ang kanyang “ex” na ipinagpalit siya sa isang mas mayaman pero matanda naman. Mukhang naalibadbaran na rin ang babae kung masama ang tingin ng mga nakakasalubong nila ng matanda niyang boyfriend. Kung noon daw kasi ang tingin ng mga tao ay parang nakaka-inggit siya dahil sa poging Brazi­lian boyfriend niya, ngayon parang mababa ang tingin sa kanya dahil mukhang “tatay” niya ang kasa-kasama. Talagang nasa huli ang pagsisisi.

CEDRICK LEE

DAVIDSON BANGAYAN

DENIECE CORNEJO

DION

DION IGNACIO

JANET LIM NAPOLES

KASO

KUNG

VHONG NAVARRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with