^

Pang Movies

Pagbaril ni Freddie Webb kay Agot, masyadong brutal

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nakaka-turn off naman ang eksenang binaril ng harapan ni ex-Sen. Freddie Webb si Agot Isidro sa isang tagpo sa teleseryeng Carmela ng GMA 7. May mga bata pa kasing nanonood ng ganung oras at napaka-brutal makitang may babarilin ng harapan. Lalo’t isa pang babae. Bakit daw kaya nakalusot ’yun?

Ilang nanay ang nakausap naming hindi sila pabor sa ganung ka-violent na eksenang mapapanood sa telebisyon.

Imagine, sa halagang ilang pirasong pera ay nasuhulan ni Roi Vinzon si Freddie? Nagmukha tuloy pulis patola ang naturang inutusan, sabi pa ng mga nakausap namin. Sana raw ay wala ng gano’ng eksena uli silang mapapanood sa Carmela.

 Amanda namakyaw ng mga ibong maya para pampasuwerte

Mga ibong maya pala na nakakulong lang sa cage ang mga binili ng dating aktres na si Amanda Amores noong Chinese New Year. Chinese kasi ang loving husband niyang si Sto. Domingo Quezon City Barangay Chairman Richard Yu.

Sa Chinese tradition kasi ay pakakawalan ang mga ibon na nasa hawla na pawang binili nila. Sign daw ng freedom at prosperity ang ganun.

Sabi pa ni Amanda, mga bilog na pagkain at kulay pulang mga bagay ang mga nai-display nila sa bahay nung Biyernes.

Character actress umaarte kahit nakaupo lang sa wheelchair

Kuwento ni Irene Celebre, kahit nakaupo lang siya palagi sa wheelchair sa teleseryeng Paraiso Ko’y Ikaw ay umaakting din daw siya.

Minsan nga, nagalit siya sa gumaganap na anak na si Jeric Gonzales kung bakit nagpakasal agad kay Lauren Young gayung wala man lang abiso.

Inaamin ni Irene, nami-miss niya ang showbiz kapag tumitigil kaya’t kahit paminsan-minsan ay feel niyang umarte.       

 

vuukle comment

AGOT ISIDRO

AMANDA

AMANDA AMORES

CARMELA

CHINESE NEW YEAR

DOMINGO QUEZON CITY BARANGAY CHAIRMAN RICHARD YU

FREDDIE WEBB

IRENE CELEBRE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with