^

Pang Movies

Mga kasali sa pa-contest ng noontime show may mga hubad na litrato

Pang-masa

Resourceful talaga ang ilang netizens na beki sa pagpapadala ng mga sexy/nude photo ng dalawang contests sa noontime na poging bading ang contestants habang foreigners naman ang panlaban ng Eat Bulaga.

Dalawa sa You’re My Foreigner na finalists ang may sexy picture. Hindi namin masipat kung sino ang Antoine Guyon at Diego Furoni na finalists sa Bulaga contest. Pero sexy lang naman ang shots nila at ang pinaka-daring ay naka-brief.

Pero ’yung sa contest na badingan, labas talaga ang naghuhumindig na nota, huh! To think na base sa biodata niya ay educated siyang tao! Nalaglag na nga lang sa daily rounds ang bading kaya ’yung mga netizens na beki ay wish na  makasama siya sa wild card edition ng contest!

Naku, mas matutuwa ang mga bading na nanood ng magkalabang contest na sa grand finals ay magsuot sila ng swimming trunks lalo na kung aabot sa summer ang paligsahan. Hahaha!

Luis ikinukumpara ang kapalaran kay Coco

Ayaw paapekto ni Luis Alandy kung may nagsusulputan mang mga bagong leading men sa GMA.

“Hindi ko siya binigyang-pansin kasi alam ko naman ang ginagawa ko eh. Parati naman siyang… Kasi in a span of three months lang, may kasunod agad eh. Of course, maraming artista, maraming bago. But what’s good with GMA is they give everybody to lead and show their skills.

“Hindi naman ako na-threaten. I just welcome the new ones because in the long run, sila rin ang… ’pag tumagal sila, pag may natutunan sila, ’pag gumaling sila… sila rin ang magiging lead eh. Marami ring aktor na natagalan bago nabigyan ng break.

“Like si Coco (Martin), matagal na siyang nag-i-indie. Nung time na nagbibida na ako sa GMA, nandoon siya, suporta lang. Ngayon, sobrang sikat na. Hindi mo masasabi kung kelan ang timing,” paliwanag ni Luis na nasa cast ng coming GMA afternoon series na Innamorata.

 Gusto rin naman niyang maging sikat gaya ni Coco. Pero alam din niya ang kaakibat na responsibilidad ng malaking artista.

Rason niya, “Hindi porke sikat ka you can get away with everything! Hahaha! Natatawa nga ako kay Justin Bieber. Kung anu-ano ang ginagawa. Hindi ko alam kung formula sa US ’yon. Hahaha!”

Boss Vic ibinalik ang passion sa bar gigs

Passion na talaga ni Boss Vic del Rosario ang magkaroon ng venue para i-showcase ang galing ng Pinoy entertainers. Sa tanda namin, isa sa mga dahilan upang itayo niya noon ang Circus Circus sa unang tayong SM EDSA kung saan naging paboritong hangout ito ng mahihilig sa local shows.

After ilang years, muling bumalik ang passion na ’yon ng Viva honcho sa pakikipagsosyo niya sa The Library-Metrowalk sa Ortigas, Pasig City. Partners sila ni Andrew de Real na nagpasimula ng nasabing comedy/sing-along bar sa Malate until now.

Eh bukod sa regular sing-along hosts ng bar, magkakaroon na rin ng mga show sa The Library simula ngayong February. Sa lahat ng Huwebes ng buwan simula sa Feb. 6, ang nakakabaliw na si Jon Santos ang tampok.

Sa Valentine’s Day, Feb. 14, isang special show ng grupong Hotdog ang magpapaibig muli sa mga hits song nilang classic gaya ng Pers Lab, Ikaw ang Miss Universe ng Buhay Ko, Manila, at iba pa.

Para sa gustong maaliw at ma-in love ngayong Love Month, tumawag sa Ticketworld 891-9999 o sa Viva Live, Inc., 6817-7236.

 

vuukle comment

ANTOINE GUYON

BOSS VIC

BUHAY KO

CIRCUS CIRCUS

DIEGO FURONI

EAT BULAGA

FEB

HAHAHA

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with