^

Pang Movies

Male celeb nagtatanga-tangahan sa karelasyong starlet

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Pinapaiwas na ngayon ng pamilya ng male celebrity na makasama pa nito ang kanyang dating karelasyon na female starlet na sobrang nagdala ng malaking problema sa kanya. Masyado kasing nasak­tan ang male celeb sa pagsasama nila ng starlet at hindi na naiwasan ng pamilya na makialam.

Noong magkaroon ng relasyon ang dalawa, madalas na naging mainitin ang ulo ng male celebrity at hindi ito mapakali sa bahay. Lagi itong wala at kahit na may taping ito the next day na maaga ay umaalis pa rin ito tuwing nagte-text sa kanya ang female starlet.

Ilang beses din nilang nakikitang nalulungkot ang male celebrity kapag nagkakaaway sila ng female starlet. Hindi ito makakain ng tama at nakukulong lang sa kuwarto kapag may away sila ng ng dyowa.

Nagugulat naman sila sa female starlet dahil nagagawa pa nitong makipag-date sa iba habang nalulungkot ang boyfriend. 

Kaya kinausap na ng pamilya ng masinsinan ang male celebrity kung gusto pa ba niyang ituloy ang relasyon sa GF. Lagi na lang siyang nasasaktan pero ang female starlet ay parang masaya pa kapag may problema sila.

Aminado ang male celeb na seloso siyang boyfriend at isa nga iyon sa mga nagiging gulo sa samahan nila ng female starlet. Pero ang makipag-date daw sa ibang lalaki habang may relasyon sila ay hindi naman daw tama.

Kung ang pamilya lang ang masusunod, ayaw na nila sa babae dahil baka makasira pa ito sa kanilang anak. Ang kaso nga lang, nahuhumaling pa ang male celeb sa starlet GF. Kahit na may gawin itong mga masasakit sa kanya, napapatawad din dahil mahal na mahal niya.

Kaya naman inaabuso ni female starlet ang pagkahumaling sa kanya ng male celebrity. Alam nito na kahit na makipaglandian siya sa ibang lalaki ay mapapatawad pa rin siya.

 Tuloy, tanong ng pamilya ni male celebrity kung martir ba ang anak o may katangahan lang?

Paunti-unti Jodi hindi bumibitiw sa pangarap na pagdo-doktor

Mas lalong bumongga ang career ni Jodi Santamaria sa pagpasok ng 2014. Nagkasunud-sunod ang mga endorsement niya dahil na rin sa patuloy na sinusubaybayan na morning te­leserye niya na Be Careful With My Heart.

Natutuwa ang aktres dahil marami na ang nagtitiwala sa kanyang mga produkto at ginagawa naman daw niya ang lahat para hindi mawala ang bilib sa kanya ng mga advertiser.

Ang pinaka-latest na endorsement ni Jodi ay ang Alagang Flawless at first time niyang mag-endorse ng isang skin and body clinic.

Ayon sa boss ng Flawless na si Rubby Sy, wala silang naisip na ibang celebrity to represent Alagang Flawless kundi si Jodi dahil bukod sa sikat ito, maalaga rin ito sa kanyang katawan bago pa nila ito kinuha na maging endorser.

“Perfect endorser siya for Alagang Flawless. We want somebody who treats her body like a temple — ’yung hindi mo aabusuhin sa trabaho at mine-maintain mo ang dati mong figure through discipline.

“Kaya heto na siya at bago siyang member ng Flawless family,” pahayag ni Ms. Sy.

Ang maganda pa nga kay Jodi ay kahit super busy ito sa kanyang showbiz career, patuloy pa rin ang kanyang pag-aaral para maging isang doktor.

Pangarap noon pa ni Jodi ang maging isang doktor kaya kahit na may iba pa siyang trabaho ay sinisikap niyang makapag-aral pa rin kahit paunti-unti.

Oprah tahimik sa 60th birthday

Tahimik nga lang na nag-celebrate si Oprah Winfrey ng kanyang 60th birthday sa kanyang tahanan sa California, USA. Nagdesisyon ang billionaire media celebrity na magkaroon na lang ng “quiet dinner” kasama ang mga malalapit na kaibigan at pamilya.

Pero noong umaga ng kanyang birthday, kasama niya ang ilang kaibigan na nag-attend sa isang spin class sa West Hollywood. Nag-post pa si Oprah ng isang video online na binabati siya ng mga tao sa kanyang birthday sa naturang spin class.

 Nang ma-interview nga siya sa programang This Morning sa CBS Television, sinabi niya na sa lahat na magte-turn 60 years old ay kailangang i-embrace nila iyon.

 â€œThe 6-0 number I’ve always said to people to own it. Even I, who has said to women all these years ‘own it, own it, own it,’ took a pause for that.”

vuukle comment

ALAGANG FLAWLESS

BE CAREFUL WITH MY HEART

CELEBRITY

JODI

KANYANG

KAYA

MALE

STARLET

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with