^

Pang Movies

Bong nabunutan ng sibat!

- Vinia Vivar - Pang-masa

Aware naman si Sen. Bong Revilla, Jr. na may mga negative reaction sa isinagawa niyang privilege speech last week sa Senate pero siyempre meron din namang positive at ito na lang ang kanyang ipinagpapasalamat.

“You cannot please everybody,” say niya nang makatsikahan namin siya last Monday night sa Mga Obra ni Nanay gallery na pag-aari ng Showbiz Police host na si Cristy S. Fermin.

“Hindi ko naman iniisip na ma-reverse mo kaagad ’yung ganung mixed reactions. Pero, at least, nakita natin na marami pa ring naniniwala at nagma­mahal sa amin. Kaya nagpapasalamat ako sa patuloy na naniniwala sa akin at nagmamahal sa akin. At kumbaga, doon sa mga pangyayaring ’yun, masaya na ako.”

Ang isa pa raw importante ay nailabas na niya ang kanyang saloobin na napakatagal na niyang kinikimkim. Pagkatapos nga raw niyang magsalita ay gumaan ang kanyang pakiramdam.

 â€œAt least, nailabas ko na rin ang dina­dala ng dibdib ko ng mahigit limang buwan. Parang nabunutan ako ng… hindi tinik eh – sibat. Pero ’yung pinagtanggalan ng sibat na ’yun, nandun pa rin. Ramdam ko pa rin ang sakit.

 â€œPero ang pinaka-importante sa akin at para sa pamilya ko, nasabi natin kung ano ‘yung nilalaman ng puso ko at alam na ng taong bayan ngayon kung ano ang katotohanan. ’Yun ang pinaka-importante.

“Taas-noo na silang makakalakad ngayon kahit saan sila magpunta. Hindi ’yung nakayuko ka habang naglalakad ka dahil hindi mo alam kung ano ang sinasabi ng tao dahil hindi ako nagsasalita. Ngayong nakapagsalita na ako, mabuti iyon para sa mga tagahanga ko at sa mga supporter ko,” pahayag ni Sen. Bong.

May mga nagsasabing hindi niya naipaliwanag nang husto sa kanyang privilege speech kung saan talaga napunta ang kanyang budget. Ayon kay Sen. Bong, naipaliwanag naman daw niya ito pero kung gusto pa rin daw malaman ang detal­ye ay tingnan na lang daw ang website ng DBM (Department of Budget and Management).

“Tingnan nila ang website na www.dbm.gov.ph. Doon nila tingnan, nandoon lahat ’yan. Kung meron silang gustong tingnan, nandoon kung saan ko ginastos ang aking PDAF (Priority Development Assistance Fund).”

Ngayong nakapagsalita na siya, ano ang susunod niyang hakbang?

“Wait and see tayo sa mga kaganapan at sa mga mangyayari pa. Alam ko umoopensa sila (administrasyon) sa amin at marami akong naririnig na minamadali ’yung kaso.”

Sa ngayon ay nagpapakatatag na lang daw sila ng kanyang pamilya sa puwedeng mangyari sa mga susunod na araw, buwan o taon.

 â€œBasta’t sinabi ko sa kanila, kung anuman ang darating na bagyo pa sa atin, basta’t tatagan n’yo ang loob n’yo. Kumapit lang tayo sa Panginoon at hindi Niya tayo pababayaan,” he said.

When asked kung wala ba siyang regrets na pumasok siya ng politika at hindi sana niya pagdadaanan lahat ng ito kung hindi siya naging senador, aminado siyang kung minsan ay naiisip niya rin ang bagay na iyon.

Basta sa ngayon ay kailangan daw niyang magpakatatag para maibangon ang kanyang pangalan.

“Kapag nagpaapekto ka, lalong matutuwa ang kalaban. Kailangang ipakita mo na hindi ka sumusuko sa laban. Kahit sa loob mo ay gibang-giba ka na, kailangang ipakita mo pa rin na matatag ka lalung-lalo na sa pamilya mo. Dahil talagang napakatindi ng pagsubok na hinarap namin,” saad pa ni Sen. Bong.

        

BONG REVILLA

CRISTY S

DEPARTMENT OF BUDGET AND MANAGEMENT

KANYANG

KUNG

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with