^

Pang Movies

TV networks nagsanib puwersa na para kay Vhong!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

May nagkuwento sa akin na mu­ling nagpunta kahapon ang National Bureau of Investigation (NBI) agents sa ospital na kinaroroonan ni Vhong Navarro dahil patuloy ang kanilang pag-iimbestiga sa kaso ng pambu­bugbog sa TV host/comedian.

Nakausap na nila si Vhong, kahit sumailalim ito sa halos limang oras na reconstructive surgery noong Lunes ng gabi. 

Kahapon din ang pagsasampa ng kaso ni Vhong laban kina Cedric Lee, Deniece Millinette Cornejo at iba pang mga kasamahan ng grupo.

Hindi naman idinenay ni Ced­ric ang bintang na binugbog niya si Vhong. Detalyado ang kanyang kuwento na katulong niya sa pananakit kay Vhong ang kanyang mga kaibigan dahil tinangka ng aktor na gahasain si Deniece.

Dumarami ang anggulo at kuwento sa kaso ni Vhong. Hindi ako magugulat kung madagdagan pa ang mga palitan ng akusas­yon na ikaloloka ng publiko na nakatutok sa kaso.

Muling nagpainterbyu kahapon si Cedric sa radio program nina Ali Sotto at Arnold Clavio sa dzBB.

Inulit ni Cedric ang kanyang depensa na ipinagtanggol lamang niya si Deniece laban sa pang-aabuso ni Vhong.

Kung ano ang sinabi ni Cedric sa mga TV interview, ganoon din ang paliwanag niya kina Mama Ali at Papa Arnold.

Susuportahan ng entertainment industry ang laban ni Vhong. Isang meeting ang nakatakda bukas at dito sasabihin ng industry leaders ang suporta nila kay Vhong.

Magkakaisa ang mga TV network para hindi na mangyari ang naging karanasan ni Vhong na puwedeng maranasan ng ibang mga artista.

Una kong narinig ang plano ng industry leaders sa despedida lunch para kay Baby K. Jimenez noong Lunes.

Pumayag na nga si Mama Charo Santos-Concio na mainterbyu ng Startalk si Vhong dahil para sa kanya, dapat isantabi ang mga network war. Nagustuhan ko ang sinabi ni Mama Charing dahil panahon na talaga para magkaisa ang entertainment industry para sa ikauunlad nito at proteksiyon ng mga industry worker.

Jodi mas blooming

Hindi ako mahilig na magpakuha ng litrato pero kahapon ay nagpa-picture ako, kasama ang aking future daughter-in-law na si Jodi Sta. Maria.

Si Jodi ang bagong endorser ng Alagang Flawless ng Flawless at marami ang nakapansin na blooming na blooming siya.

Dalawa lang ang sikreto ni Jodi, ang madalas na pagbisita niya sa Flawless at ang love sa kanya ni Cavite Vice Governor Jolo Revilla.

Personal choice ni Rubby Sy si Jodi para maging endorser ng Flawless. Tuwang-tuwa si Mama Rubby nang pumayag si Jodi na i-endorse ang number one beauty clinic sa bansa at puso ng masa.

Sumusumpa si Jodi na effective sa kanya ang treatments ng Flawless. Tawang-tawa siya sa joke na pareho ang pag-aalaga sa kanya ng Flawless at ni Jolo. Anytime soon, makikita natin ang mga Alagang Flawless billboards ni Jodi.

Kasama ni Jodi sa presscon ang kanyang anak na si Thirdy na kilala na rin ng mga tao dahil sa kanilang mga TV commercial.

Wala pa sa plano ni Jodi na masundan si Thirdy. Matagal pa raw bago magkaroon ng kapatid ang bagets na bibung-bibo at tinulungan ang kanyang ina sa raffle draw.

vuukle comment

ALAGANG FLAWLESS

ALI SOTTO

ARNOLD CLAVIO

BABY K

CAVITE VICE GOVERNOR JOLO REVILLA

CEDRIC

JODI

VHONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with