^

Pang Movies

Babaeng muntik daw gahasain sumagot: ‘Kung may biktima at inosente rito walang iba kundi ako’

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Palaban din si Deniece Millinette Cornejo sa statement na ipinalabas niya at nabasa namin sa Twitter account ng GMA News via account naman ni Kara David. Si Deniece ang girl na nag-akusa ng rape kay Vhong Navarro pero ayon sa blotter ay hindi na niya ikakasa ang kaso.

Pero mukhang nagbago ang ihip ng hangin sa stament ni Deniece. Na-implicate na rin kasi siya sa interview ng Buzz ng Bayan kay Vhong pati na si Cedric Lee.

Narito ang ilang bahagi ng statement ni Deniece:

 â€œIf you want justice, I will give you the REAL justice.

 â€œIn the field of women’s rights, the right will always be right.

 â€œKung may biktima at inosente rito walang iba kundi ako.

 â€œMataas ang paghanga ko sa mga lalaki na marunong rumespeto at ipagtanggol ang kababaihan.”

Sinimulan kasi ng NBI ang imbestigasyon nila sa gulong ito. Sa pagkakasangkot naman ng GMA sa issue, naglabas ng statement ang network last Sunday night upang itanggi na apo ng GMA President Atty. Felipe Gozon si Deniece.

Kaugnay naman ang pagkakasangkot ni Cedric sa akusasyong pambubugbog kay Vhong at paghingi ng pera, may lumabas sa diumano’y Twitter account niya na idinipensa ang sarili na walang siyang hinihi­nging pera kay Vhong. Gusto lang niyang tulungan ang kaibigang si Deniece. Pinanindigan rin niya na ni-rape ni Vhong ang kaibigang babae.

Roi Vinzon ipinakita na naman ang kasamaan

Epektibo talagang kontrabida si Roi Vinzon. Kapopootan talaga ang character niya sa unang episode ng Carmela na kahapon nagsimula. Napanood namin ang pilot telecast ng series na pinagbibidahan nina Marian Rivera at Alden Richards. Sa episode ngayong gabi, mas lalong kamumuhian ang character ni Roi na haling na haling sa character ni Agot Isidro.

Mula nang umani ng papuri sa My Husband’s Lover bilang father ni Tom Rodriguez at galit sa bading, kaabang-abang na ang performance ni Roi. Sa Carmela, tiyak na hindi mabibigo ang manonood sa galing ni Roi.

Of course, pasabog din ang acting ni Agot. Gayundin si Laurice Guillen na underac­ting ang drama pero effective ang pag-atake niya, huh!

Maging ang special guest na si Ricky Davao ay hindi nagtalo sa mga veteran actors na kasabayan. Isa siyang pipi at bingi na umibig kay Agot at binigyan ng magandang buhay. ‘Yun nga lang, isang kalagim-lagim na pagkitil sa buhay niya ang ginawa ni Roi.

Ayon sa Program Manager ng programa na si Helen Sese, sa Thursday pa lalabas si Marian sa series. Si Mona Louise Reyes ang gumanap sa kanya bilang batang Carmela.

Ang isa pang kapuri-puri sa Carmela ay ang direksyon ni Dominic Zapata na lumutang muli ang galing sa bawat camera shots kaya winner na winner ang  bago niyang project, huh!

vuukle comment

AGOT

AGOT ISIDRO

ALDEN RICHARDS

CARMELA

CEDRIC LEE

DENIECE

DENIECE MILLINETTE CORNEJO

ROI VINZON

VHONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with