^

Pang Movies

Aktor bumalik sa dating bisyo, madalas kausap ang sarili, naghahanap ng cowboy hat sa show!

- Vinia Vivar - Pang-masa

Marami ang nakakapansin na mukhang balik na naman sa dating bisyo niya ang aktor dahil sa kung anu-anong weird na pinaggagawa at ikinikilos nito.

Nang minsan daw na nagpo-promote para sa kanyang teleserye, hindi alam ng aktor kung kailan ang date ng pilot episode kahit ilang beses na siyang na-brief tungkol dito.

Pati ang oras ng serye, say niya, “Panoorin n’yo, mga 6:30 p.m. to 9:30 p.m.?”

Naloka nga raw ang mga staff dahil saan ka naman nakakita ng seryeng tatlong oras tatakbo?

Sa backstage ay naghahanap daw ito ng hat at ang sabi, “I’m a cowboy. Bang, bang, bang!”

At ang the height, habang nagsyu-show sa stage ay inihagis ang kanyang jacket worth P25,000. ’Kaloka, ’di ba naman?

Naloloka rin ang mga katrabaho niya sa kanya dahil madalas daw kinakausap ang sarili.

Good thing, patuloy pa rin siyang binibigyan ng home network niya ng project at hindi nababakante. Pinagpapasensiyahan na lang nila dahil mabait naman ito at hindi naman gumagawa ng masama sa ibang tao.

“Nakakaaliw lang siya dahil nga kung anu-ano ginagawa’t sinasabi pero he doesn’t mean harm to any person,” sabi ng isang staff.

Mark natuto nang magtaray

Tulad ni Jennylyn Mercado, non-commital din si Mark Herras kapag napag-uusapan ang posibilidad ng reconciliation sa pagitan nilang dalawa.

“Sa ngayon, ayoko munang lagyan or bigyan ng complications ’yung kung ano ’yung meron kami ni Jen kasi talagang sobrang wala kaming nagi­ging problema sa trabaho. Sa totoo lang, hindi naman kami nakikipagplastikan sa media o sa ibang tao na, halimbawa, kailangang sweet kami ’pag may ibang tao. Hindi eh.

“’Yung nakikita n’yo off cam, mas nadadagdagan namin ’pag on cam na. Talagang wala, wala kaming problema ni Jen ngayon.

 â€œSo, kung sakaling dumating ’yung panahon na mayroon pa ring something na mapuntahan itong relationship namin ni Jen as magkaibigan and kung sakaling lumampas man do’n, malalaman n’yo naman ’yun,” sabi ni Mark.

Klinaro rin sa aktor ang tungkol sa sinasabi ng fans na nagkabalikan sila ni Ynna Asistio at tila napikon si Mark dahil ang sagot n’ya, “Alam n’yo, wala naman silang karapatan para pakialaman ang buhay ko.”

Say tuloy ng mga reporter, tinagalog lang daw ni Mark ang sinabi ni Kim Chiu na “We don’t owe you any of our personal lives.”

Pati si Jen na nakikinig ay natanong. Kaya nagpaliwanag si Mark, “Out si Jen dito. Ngayon lang ako sasagot kasi medyo nakakapikon na rin ang ibang tao kasi sinasabi nila ginagamit ko raw si Jen para bumalik ang career ko, ganyan-ganyan.

“Never ko namang ginamit si Jen sa trabaho. At kami ni Jen, every time na nagkakatrabaho kami, ’yun naman talaga, trabaho ang ginagawa namin nang maayos.”

vuukle comment

ALAM

JEN

JENNYLYN MERCADO

KALOKA

KIM CHIU

MARK HERRAS

NAMAN

PATI

YNNA ASISTIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with