^

Pang Movies

Alden tinanggalan ng tension ni Marian

- Vinia Vivar - Pang-masa

Sobrang thankful si Alden Richards kay Marian dahil ang aktres mismo ang pumili sa kanya para maging leading man sa seryeng Carmela.

“Sobrang nagpapasalamat po ako kasi this is the biggest of the biggest break po talaga sa buong career ko sa showbiz,” sabi ni Alden.

At nagpasalamat daw siya talaga mismo kay Marian.

“Alam po ni Yan (tawag kay Marian) kung gaano ako magpasalamat sa kanya. Sabi ko, ‘Yan, thank you so much. Hindi mo alam, sobrang laking tulong nito sa akin, sa family ko, sa career ko.’ Sabi niya, ‘Ikaw naman.’ Pero sa akin po talagang sobrang thankful ako sa kanya,” diin pa ni Alden.

Sobrang kabado raw siya during the first few days of taping at talagang hindi siya komportable.

“Kasi hindi pa po ako artista napapanood ko na si Yan sa TV, ’tapos ngayon ka-partner ko na siya. Hindi ko alam kung paano ang kilos na gagawin ko, kung paano aarte kasama niya,” kuwento ni Alden.

Pero later on ay naging okay na raw siya dahil bago mag-take ay nag-uusap sila ni Marian para mawala ang kanyang tension at stress.

“Magaling po si Yan magpapanatag ng loob,” say ng Kapuso young actor.    

Martin natameme sa hostage-taking sa India

Ayon sa producer ng Mumbai Love na si Neil Jeswani, wala naman daw hostage-taking na nangyari habang nagsyu-shoot sila ng movie sa India as previously reported na base naman sa kuwento ng isa pang cast ng pelikula na si Martin Escudero. Wala rin daw mafia thing at simpleng interruption lang daw ang nangyari.

Paliwanag pa ng producer sa presscon na gina­nap last Wednesday night, nagkaroon daw ng loose information.

Ayon pa sa paliwanag ng Indian producer na lumaki sa ‘Pinas kaya marunong mag-Tagalog, na-misquote raw ang isa nilang cast (si Martin nga) na siyang unang nagpa-interview tungkol dito.

“Nag-usap na kami ni Martin and, like I said, it’s misquoted kasi nung nagsyu-shoot kami they were inside and when I went out, ako lang naman mismo ang nakakita ng pangyayari. So, it was just an interruption,” he said.

  Maging si Martin ay ayaw na ring magsalita at sinabing naglabas na rin naman daw ng statement ang production tungkol dito para maliwanagan ang sinabi niya sa kanyang panayam noon.

Aminado rin ang young actor na may pagkakamali rin siya in a way but since na-explain na naman ang lahat sa kanya, okay na raw ito.  Showing on Jan. 22 ang pelikula.

vuukle comment

ALAM

ALDEN RICHARDS

AYON

MARTIN ESCUDERO

MUMBAI LOVE

NEIL JESWANI

PERO

SABI

SOBRANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with