Jennylyn at Yasmien may split personality
Bilang na ang mga gabi ng mga pelikula na ipinapalabas ng GMA 7 sa primetime dahil magsisimula sa Jan. 27 ang kanilang mga bagong programa, ang Carmela na pinagbibidahan ni Marian Rivera at Rhodora X na tinatampukan nina Jennylyn Mercado at Yasmien Kurdi.
Mahirap hulaan ang mga kuwento ng Carmela at Rhodora X dahil pangalan ng mga babae ang mga pamagat. Ikinuwento na noon ni Marian sa akin ang plot ng Carmela pero hindi ko naman masyadong naintindihan. Basta ang alam ko, si Marian ang pumili ng title na Carmela.
Babae na may split personality ang kuwento ng Rhodora X. Magkapatid sa teleserye ng GMA 7 sina Jennylyn at Yasmien. Huwag n’yo nang itanong sa akin kung may split personality ba sa tunay na buhay ang dalawang bida dahil ikawiwindang n’yo ang sagot ko.
Hindi lang yes dahil with matching explanation pa!
Male endorsers ng Belo mas mapangahas
Ginanap kahapon ang launch ng 2014 caÂlenÂdar ng Belo Medical Clinic pero matagal na akong may kopya ng kalendaryo na pinag-uusapan dahil sa sexy photos ng mga artista na celebrity endorser ng clinic ni Dr. Vicki Belo.
Sa totoo lang, mas mapangahas sa pagpapakita ng halos hubad na katawan ang mga male celebrity endorser ni Mama Vicki. Hinigitan nila ang mga female celebrity na parang umiral ang pagiging conservative.
Starring sa sizzling 2014 Belo Clinic calendar sina Ruffa Gutierrez, Anne Curtis, Derek Ramsay, Matteo Guidicelli, Alden Richards, Edward Mendez, at marami pang iba. Collectors item ang kalendaryo.
Nanette Medved may pa-concert para sa mga binagyo pero tahimik lang
Ngayong gabi ang Voices for Visayas, ang benefit concert sa Resorts World Manila ng mga Filipino singer para sa mga kababayan natin na biktima ng Super Typhoon Yolanda noong November 2013.
Ang Philippine Disaster Recovery Foundation (PDRF) ang huÂmihingi sa suporta ng lahat para sa benefit concert na pangungunahan ng mga sikat na singer. Kabilang si Nanette Medved sa mga nag-iimbita na suportahan ang Voices for Visayas at ito ang kanyang imbitasyon:
“The Philippine Disaster Recovery Foundation (PDRF) would like to invite you to support a benefit concert, VOICES FOR VISAYAS, the biggest and most diverse gathering of over 100 Filipino artists who are offering their talent for this fund-raising benefit. Resort World and many suppliers have also offered the venue and their services for free.
“Proceeds from this concert will benefit housing projects being implemented by Gawad Kalinga and Habitat for Humanity.
“Join us listen to Ryan Cayabyab’s special theme song he composed for the event and to performances by Gary V., Martin Nievera, Ogie Alcasid, Regine Velasquez, Sharon Cuneta, and many more.
“Ticket prices are P6,000, P4,000, at P2,000. Please urgently make your reservations to Joy Lagdameo +63918- 9111777, [email protected] and Denise Minana +63917-5251001 denisemweldon gmail.com as soon as possible as seats will be assigned on a first come first served basis. Check should be made payable to The Philippine Disaster RecoÂvery Foundation. Thank you and we hope to see you there.â€
Matagal nang nag-quit sa showbiz si Nanette pero active siya sa kanyang mga charity work. Maaasahan ang dating aktres sa mga kawanggawa at bukal sa loob ang kanyang pagtulong na hindi natin nababalitaan dahil tahimik lamang siya.
Hindi katulad si Nanette ng ibang mga artista na palaging naka-announce ang pagtulong sa kapwa. Konting kilos at tulong lang, nakalagay agad sa social media. Cheap ’di ba?
- Latest