^

Pang Movies

Marian sikat na sikat sa Vietnam

FREE LANCER - Emy Abuan Bautista - Pang-masa

Maraming fans sa Vietnam si Marian Rivera na tumatangkilik ng kanyang teleserye. Dahil dito ay pinarangalan siyang best foreign artist sa Vietnam.

Sa kabilang banda, excited na si Marian sa bagong teleseryeng pagbibidahan niya — ang Carmela — kung saan naiibang personalidad ang ilalarawan nito.

Makakapareha ni Marian si Alden Richards na magiging daring na rin. Medyo bad boy na mahilig sa chicks ang gagampanan ng Kapuso actor. Handa na rin itong sumabak sa intimate scenes dahil bilang isang artista bahagi lang ito ng kanyang trabaho.

Jason, baklang-bakla na

Nagulat kami nang makita sa poster ang malaking larawan ni Jason Gainza dahil mukha itong babae at baklang-bakla siya sa pelikulang Mumbai Love. Gagampanan ni Jason ang baklang stepmother ni Solenn Heussaff na mag-aalaga sa kanya.

Sabi nga ni Direk Benito Bautista, mahusay siyang gumanap bilang bakla at may timing sa pagpapatawa si Jason.

First time ng komedyante na gumanap na crossdresser at nag-enjoy siya nang husto habang ginagawa ang Mumbai Love dahil mababait na katrabaho ang lahat lalo na sina Solenn at Kiko Matos. Kahit nga sa set ay nagtatawanan sila sa kanyang anyong babae.

Palabas na ang Mumbai Love sa Jan. 22 mula sa Capestone Pictures, Inc. at iri-release ng Solar Entertainment.

Samantala, magaganda ang feedback na natatanggap namin sa trailer ng Mumbai Love na napapanood na sa mga sinehan. Parang Hollywood movie ang da­ting dahil kinunan ito sa India, maganda ang cinematography, at malinis na malinis ang pagkakagawa ng pelikula.

Sa darating na premiere night ng movie ay bongga ang presentation na production numbers at mga naka-Indian attire ang suot ng buong cast na dadalo.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

CAPESTONE PICTURES

DIREK BENITO BAUTISTA

JASON GAINZA

KIKO MATOS

MARIAN RIVERA

MUMBAI LOVE

PARANG HOLLYWOOD

SOLAR ENTERTAINMENT

SOLENN HEUSSAFF

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with