^

Pang Movies

Angel may bagong love life

FREE LANCER - Emy Abuan Bautista - Pang-masa

Gaano kaya katotoo ang balitang may bagong manliligaw si Angel Locsin na isang pulitiko.  Wish nga namin sa magandang aktres ay magkaroon na ng bagong inspirasyon na isang lalaking tapat na magmamahal sa kanya.

Maganda ang pasok ng taong 2014 kay Angel dahil magiging busy siya. May bagong teleserye ito titled The Legal Wife at pelikulang pagtatambalan nila ni Vhong Navarro.

Kahit loveless ngayong Kapaskuhan ay naging masaya pa rin ang aktres dahil buo ang pamilyang nagkasama-sama sa isang bakasyon sa Singapore.

Magkabati-bati na sana ang pamilya

Isa rin sa New Year’s wishes namin ay magkasundu-sundo na ang pamilya Barretto at Pempengco. Masarap ang pakiramdam kapag nagkakasundo ang pamilya.  Magpatawaran na sana ang pamilya Barretto at Pempengco para  maging magaan ang pakiramdam lalo na sa parte ng anak.

Gov. ER nadala na sa MMFF?

Wish din namin na sana’y huwag madala si Gov. ER Ejercito sa paggawa ng pelikula na isasali sa Metro Manila Film Festival.  Marami kasi siyang natutulungang movie workers.

Marami ngang nagtataka kung bakit hindi man lang nakakuha ng major o kahit minor award ang pelikula gayung nabigyan ito ng A rating ng Ci­nema Evaluation Board (CEB) at sa direksyon pa ni Chito Roño na balitang dismayado sa nangyari.

May ilan tuloy na nagtatanong kung hindi kaya napulitika ang pelikula? Kung sabagay maganda naman ang bumubuo sa Board of Jurors na mula pa sa iba’t ibang sector ng lipunan.

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

BARRETTO

BOARD OF JURORS

CHITO RO

EVALUATION BOARD

LEGAL WIFE

MARAMI

METRO MANILA FILM FESTIVAL

NEW YEAR

PEMPENGCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with