^

Pang Movies

Angel mas gustong magdusa ang puso kesa career!

MASA...RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Tila hindi pa tapos ang taon, kung wala ang annual ‘‘Masarap’’ awards. Sa rami ng award-giving bo­dies, ayaw pa nating papigil sa pakikigulo at pagbibigay ng mga imaginary honor, kahit katuwaan lang.

Love of the Year — Ka Freddie Aguilar. Higit pa sa kaso ng matandang kabayo at sariwang damo ang naging love affair ng singer/composer with his 16-year-old bride through Muslim rites. Ano ba naman ang makapipigil sa tunay na pag-iibigan?

Kahit na nga pangatlong misis niya ang menor de edad, ito pa rin ang pinakamatinding pana ni Kupido na tumagos sa kanyang kasing-kasing (puso).

Best Friends — Mukhang ayaw bitiwan nina Kim Chiu at Maja Salvador ang title ng tunay na magkaibigan. Sa tono ni Kim, tunay na ayaw niyang umibig si Maja sa kanyang dating boyfriend na si Gerald Anderson.

Ang say ng mestisang Tsina, ipinagpalit ni Maja ang kanilang friendship sa pag-ibig ng aktor.

Biggest Little Star of the Year — Kung tutuparin ni Kris Aquino ang kanyang salita, si Bimby Yap, Jr. ang naging biggest discovery ng taon pero talagang for one year only. Katuwiran ng Aquino girl, ayaw niyang masisi ng ama ni Bimby na si James, Sr. Ang fans naman, hinding-hindi siya sisisihin dahil love nila ang bibong Bimby.

Mother of the Year — Natural si Kris Aquino ang ating dakilang ina ng taon. She really wants to give the very best to her son Bimby. Pati ang co-produce niyang filmfest entry, top grosser pa. Of course, gusto niyang huwag masira ang pag-aaral ng bata kaya tigil muna ang pagharap sa camera at ibang showbiz commitments.

Sa bakasyon kaya, puwede sandali?

Director of the Year — Kahit walang gaanong nakapansin kay Francis Villacorta at wala pa ka­ming nabasang pumuri sa kanyang pelikula, siya ang choice namin sa most trying hard filmmaker. Ginawa niya kasi ang lahat para matapos ang filmbio ni San Pedro Calungsod.

Single Girl of the Year — Kahit sino o ano pa, walang maaaring ipagpalit si Angel Locsin sa kanyang career. Puwedeng magdusa muna ang kanyang puso, as long as she is on top of the world and still the most popular local actress. She will again soar very high this 2014 as she takes the sky with another Darna role.

Best Actor — Tipong nagprotesta pa si Aiza Seguerra nang magwaging best supporting actress sa Metro Manila Film Festival (MMFF). Malakas niyang nasambit sa kanyang acceptance speech na, ‘‘akala ko best actor.’’ Hindi nga lang nagwaging most gender sensitive movie ang kanyang nilabasang My Little Bossings.

Single Parent of the Year — Sunshine Cruz seems to be the most courageous actress in town today. Isang Cesar Montano ang iniligwak niya sa kanyang buhay upang akuin ang lahat ng responsibilidad sa pagpapalaki ng kanilang three daughters. Of course, the actress has all the rights to fall in love again although it may not happen too soon, this year.

Hitmaker of the Year — Ang choice ng majority ay si Sarah Geronimo na bukod sa platinum-certified agad ang bagong album, double successful ang kanyang live concert staged both at the Smart Araneta Coliseum and SM Mall of Asia na isang linggo lang ang pagitan.

Isa pang hit movie ni Sarah G. ang malamang na ipalabas sa 2014.

Comebacking Star of the Year — People counted her out of the scene pero pinatunayan ni Maricel Soriano na you cannot put a good (wo­man) man down. She bounced back at sa kanyang last assignment, nanalo pa siya ng best actress sa MMFF.

Tiyak na ginagabayan pa siya ng kanyang Mommy Linda at ng kanyang second mother na si Nida Blanca!

Bride of the Year — Siyempre si Shamcey Supsup ang most beautiful bride ng taon. She was so lovely in that wedding gown at higit na maganda ang kanyang lakad down the aisle sa pagrampa niya noon sa Miss Universe pageant.

vuukle comment

AIZA SEGUERRA

ANGEL LOCSIN

BEST ACTOR

BEST FRIENDS

BIMBY

KAHIT

KANYANG

KRIS AQUINO

YEAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with