^

Pang Movies

Eksena sa kama nina John Lloyd at Toni ilang beses ni-reshoot

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Magroromansahan muli sina John Lloyd Cruz at Toni Gonzaga sa unang handog ng ABS-CBN sa 2014, ang sitcom na Home Sweetie Home. Kung kilig-kiligan lang sila sa movie nilang My Amnesia Girl, mag-asawa na ang role nila sa Kapamilya sitcom.

’Yun ngang eksena nila sa kama na ipinakita sa plugging, ilang beses daw ni-reshoot ‘yon upang maging makatotohanan ang eksena. To think na kiss lang sa cheek ang ginawa nila.

Kung sanay nang magpatawa si Toni, mati-test naman ang pagiging mahusay na aktor ni Lloydie sa sitcom lalo na’t mas kilala siya bilang dramatic actor. Kaya manghihingi raw siya ng pointers sa girlfriend na si Angelica Panganiban na subok na ang kahusayan sa pagpapatawa!

 

Wally umiiyak habang nagso-sorry kay Bossing

Sinorpresa ni Wally Bayola ang mga Dabarkads sa Eat Bulaga nitong nakaraang linggo matapos ang eskandalong kinasangkutan niya. September nag-leave ang komedyante sa programa at iilang tao lang ang nakakausap sa kanya nang tumahimik siya dahil sa kontrobersiya.

Humingi ng apology si Wally sa mga Dabarkads lalung-lalo na kay Vic Sotto na kinausap niya sa hosts room ng Broadway Studios. Umiyak ang komedyante habang nagsasabi ng sorry kay Bossing Vic dahil sa maling ginawa niya.

Ginawang comedy na lang ni Bossing ang tugon niya kay Wally pero sapat na ‘yon upang mabawasan ng tinik sa dibdib ang huli. Mahal din kasi ni Bossing ang kasamang comedian kaya hindi naman niya basta matatalikuran ito.

May nalaman na kaming araw ng pagbabalik ni Wally sa Eat Bulaga. Pero abangan na lang ninyo ito para naman hindi ma-preempt ang comeback niya.

 

Kris nagtitili sa Pinoy Henyo

Ibinuking ni Kris Aquino ang anak na si Bimby Yap, Jr. na nagselos sa Los Viajeros ng Eat Bulaga dahil sa pagiging malapit ng mga foreigner kay Ryzza Mae Dizon. Guests ang mag-ina sa noontime show kahapon para sa promotions ng filmfest entry nilang My Little Bossings. Habang dyina-judge ang contestants sa My Little Bossings Dance Contest, on air na ang Queen of All Media at ang pagseselos ng anak sa grupo ng mga foreigner ng pinag-uusapan.

Tigas naman sa kaiiling si Bimby na hindi siya nagselos sa Los Viajeros. Pero siyempre mas kilala ni Kris ang anak, huh! Kaya naman upang ipadama kay Ryzza na hindi siya nagseselos, pinahawakan ng ina sa anak ang kamay ng kapareha.

Bukod sa pagdya-judge sa dance contest, sumali rin si Kris sa Pinoy Henyo special edition kung saan sila ni Vic ang magkakampi. Hindi pa man nagsisimula ang hulaan, todo na ang nerbiyos ni Kris.

Nang isalang na sila ni Vic, halos tumili na si Kris sa pagsagot ng oo, hindi, at puwede! Suwerte namang sila’t sila ang winner at tinalo sina Jaclyn Jose, Bibeth Orteza, Aiza Seguerra, at Erika Padilla.

’Yun nga lang, umayaw si Kris sa jackpot round at naging kapalit niya si Ryzza Mae kaya mas lalong kumuwela ang labanan sa Pinoy Henyo. Nahulaan naman ni Ryzza Mae ang tatlong words kaya P50,000 ang premyo nila!

Namigay rin ng Pamasko sina Kris at Bimby sa masuwerteng audience na nag-uwi ng cash!

vuukle comment

AIZA SEGUERRA

ANGELICA PANGANIBAN

BIBETH ORTEZA

BIMBY

EAT BULAGA

KRIS

LOS VIAJEROS

PINOY HENYO

RYZZA MAE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with