^

Pang Movies

Alice nadagdagan ang fans nang magpakita ng konting laman

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Dahil sa pagiging cover girl ng FHM, dumoble ang fans ni Alice Dixson sa kanyang Facebook fan page. From 100,000 ay umabot na raw sa 240,000 likes ang kanyang fan page simula noong lumabas na sa mga magazine stand ang mag cover niya.

“Everything that is meant to be — inevitably WILL be,” tweet tuloy ng 44-year-old actress.

First time ngang ginawa ito ng bida ng TV5 primetime drama na For Love or For Money. Nagkaroon man ng aberya sa simula ay nagawa pa rin si Alice ang pagpapa-sexy sa magasin.

     “As long as I don’t have to wear anything skimpy, okay lang,” ngiti pa ni Alice.

Hindi malayo na mapasali sa FHM’s Sexiest Women next year si Alice dahil sa malakas na benta ng kanyang first sexy cover.

Singkit na mata at mahabang buhok ni Alex feel na feel ni Arjo

Hindi ini-expect ng Kapamilya young actor na si Arjo Atayde na mabibigyan siya agad ng project pagkatapos ng award-winning role niya sa Dugong Buhay.

Ngayon ay leading man na siya sa Philippine adaptation ng hit Koreanovela na Pure Love na makakatambal niya ang long-time crush niyang si Alex Gonzaga.

Ipinalabas ang Pure Love sa ABS-CBN noong 2011. Ang original na title nito sa Korea ay 49 Days.

More than a month napahinga si Arjo nang magtapos ang Dugong Buhay noong October. Pinag-acting workshop siya dahil gagawin na nga siyang leading man sa Pure Love.

Noong sabihin kay Arjo ang tungkol sa bagong project niya, agad niyang inalam ang kuwento ng Pure Love para prepared kapag nagsimula na sila ng ta­ping. Ang airing nga ng naturang teleserye ay sa early part ng January.

“It’s my first time to do something like this on television and I pray that we all do justice to the roles na ibinigay sa aming lahat.

“We promise that we will do our best para matuwa naman ang mga naging fans ng Pure Love,” sabi ng newcomer.

Aside from the new project, ikinatutuwa rin ni Arjo ang matagal na niyang dream na makasama sa isang TV show si Alex. Aminado naman kasi siya na noon pa man ay showbiz crush na niya ang nakakabatang kapatid ni Toni Gonzaga.

Ang hitsura ni Alex ang siyang gusto ni Arjo sa isang babae.

“I’ve been very vocal about it even before pa. Talagang I have this big crush on Alex Gonzaga at alam din ni mommy (Sylvia Sanchez) ‘yan at ng mga kaibigan niya.

“My mom knows na weakness ko ang tsinita girls na may mahahabang buhok. For me that’s the physical aspect that makes a girl or a woman beautiful and sexy,” rason niya.

Gusto rin ni Arjo ang pagiging simple at pagiging kalog ni Alex ni real life.

Bagong album ni Beyonce na walang ingay bumenta agad ng 1M copies

Ang pinakabagong album ng R&B star and multi-Grammy winner na si Beyonce ay lumagpas na sa one million copies worldwide in just six days! Ang self-titled album ay nag-set din ng record para sa iTunes, Apple, Inc., and Columbia Records.

Ito ang ika-limang album ng singer at ni-release noong Dec. 13 ng madaling-araw na walang kung anumang fanfare. Naglalaman ito ng 14 songs and 17 music videos na lahat ay nag-top sa iTunes album charts sa buong mundo.

Nag-debut ang Beyonce album sa top of the weekly Billboard 200 album chart with 617,000 copies sold in the US ayon sa Nielsen Soundscan.

Hindi nga kataka-takang mag-top sa lahat ng music charts ang bagong album dahil sa kanyang malawak na fanbase: 53 million Facebook fans; 13 million Twitter followers, at eight million Instagram fans.

Sa ngayon ay tinalo na ng album ni Beyonce ang mga kaka-release lang na album nina Lady Gaga, Katy Perry, at Britney Spears.

Ang kasalukuyang top-selling album of 2013 ay ang The 20/20 Experience ni Justin Timberlake na ni-release noong nakaraang March 2013 at may 2.3 million sales na sa US.

vuukle comment

ALBUM

ALEX

ALEX GONZAGA

ALICE DIXSON

ARJO

ARJO ATAYDE

BEYONCE

DUGONG BUHAY

PURE LOVE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with