^

Pang Movies

Kapatid ni KC ayaw pa ring makita si Gabby

- Vinia Vivar - Pang-masa

For this Christmas, ayon kay KC Concepcion, ay pupunta raw sila ng family niya sa Clark, Pampanga.

“First time kong mag-invite ng brother ng mommy ko, so, baka mag-24th (noche buena) sa Clark and then sa 25th sa mga lolo’t lola’t mga pinsan dito naman sa Manila, sa Alabang,” saad ni KC.

Sa New Year naman daw, gusto man niyang umalis, say niya, ay hindi raw siya allowed umalis ’pag Dec. 31 and Jan. 1 dahil birthday daw ng Lola Elaine Cuneta niya ng 31st kaya sinasabay na nila rito ang New Year.

Dahil nga ang Pasko ay para sa pamilya, natanong din si KC kung ngayong Pasko ba ay magkakasama-sama sila ng mga half-sister niyang sina Chloe and Garrie. Pero say ng aktres, wala raw sa bansa ang mga ito ngayon.

“Kami ni Garrie, magka-text lang kami. She’s in the States and Chloe’s not here right now. Kami ni Garrie, we always talk about it. And kami kasi ni Gar, we searched for our father (Gabby Concepcion) separately and wala talaga kaming kasama nung kinita namin ’yung Papa namin.

“Like ako, thirteen years ko po siyang hindi nakita. And nung nag-twenty one ako, sabi ko kay Mommy, ‘Twenty one na ako, Ma.’ Sabi ko ’pag may nangyari kay Papa bukas, baka hindi ko mapatawad ang sarili ko because alam kong nandiyan lang siya and there are other people na totally hindi nila nakita ’yung father nila,” diretsong sabi ng anak ni Sharon Cuneta.

Of course, the rest is history dahil pumayag ang mommy niya na magkita sila na nangyari na nga a few years ago.

Ganun din daw sa kaso ni Garrie na hindi rin nito nakasama ang ama nila habang lumalaki at hinanap din nito paglaki.

“Si Chloe, ayaw naming pakialaman dahil dapat sarili niyang desisyon ’yun and I made it clear na rin po kina  Tita Jenny (Syquia, ang mother) na Chloe knows that I will support her personally pero pagda­ting sa Papa namin. Wala na akong kinalaman dun kasi siyempre, sensitive topic din ’yun,” pahayag ni KC.

Pero pinaparinggan daw nila ni Garrie si Chloe about their father dahil gusto raw nilang makita kung open na ito about that pero mukhang hindi pa rin daw.

“Siguro po marami pa siyang tanong sa sarili niya kasi nasa tao na rin po ’yun. She’s old enough to know what to do and old enough to make her own decision. So, kami, bilang mga ate niya, we can only do so much,” she said.

Chloe is only 19 kaya binibigyan naman daw nila ito ng time at hinahayaan muna nila.

Anyway, ayon kay KC, itong taon na ito ang busiest year niya. Heto nga’t matatapos na lang ang taon ay may year-ender movie pa siya, ang Metro Manila Film Festival movie na Shoot to Kill: Boy Golden kasama si Gov. Jorge “ER” Estregan.

Alice sumuko nang pilahan

Maraming fans ang nalungkot nang hindi matapos ni Alice Dixson noong Sabado ang kanyang autograph-signing para sa FHM na ginanap sa Robinsons Galleria.

Bago pa man dumating si Alice, mahaba na ang pila ng fans na nais makakuha ng autograph ng TV5 star. Halos isandaang katao na ang nakapila na at ilan sa kanila ay hindi lang isa ang bitbit na kopya ng naturang issue kung saan cover si Alice. Maaga pa lang, sinubukan na ng events team na putulin ang pila ngunit matiyaga silang naghintay na baka sakaling makuha ang pirma ni Alice.

Patok ang December issue ni Alice at nauubos ang mga kopya sa bookstore at magazine stalls. Maraming gustong makita ang seksing katawan ng artistang sumikat noong ’90s sa soap commercial kung saan nakilala siya sa katagang “I can feel it.”

At 44, ipinakita rin ni Alice ang kanyang seksing katawan sa TV drama na For Love or Money na kasalukuyang umeere sa TV5 tuwing Huwebes ng gabi. Marami ang natuwa at kaya niya pang makipagsabayan sa mga kabataang sexy actresses ngayon.

vuukle comment

ALICE

ALICE DIXSON

BOY GOLDEN

CHLOE AND GARRIE

FOR LOVE

GABBY CONCEPCION

GARRIE

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with