^

Pang Movies

Shamcey hindi na makatulog dahil sa kasal

MASA...RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Sa Dec. 29 na ang wedding ni Shamcey Supsup with Filipino-Chinese businessman Lloyd Lee at the Church of the Risen Lord in Diliman, Quezon City.

Halos hindi na makatulog ang beauty queen these days. Ang nararanasan niya ngayon, katulad ng gabi before the Miss Universe contest, where she won third runner-up.

Tapos na ang figure-hugging wedding gown niya at lahat ng mga kailangan sa kasal. Maayos na rin ang gagawing wedding reception after the ceremony. Natural lang kasi ang wedding jitters kaya’t nagsisikap si Shamcey na mag-relax, before one of the biggest days in her life.

Malditang star minura-mura ang fan nang matapakan

Natapakan ang paa ng isang sikat na artista ng very excited fan na magpapa-picture sa kanya. Ang malditang star, malakas na minura ang taga­hanga. Bigla naman ang pagpapalit ng expression ng fez. Nakangiti na siyang humarap sa maraming cell phone cameras.

Naalaala ko tuloy ang isang star na active pa hanggang ngayon. Nagkagulo ang fans pagdating niya. Isang very eager ang humablot sa kanyang leeg upang makahalik. Natu­ral ang arte ng artistang kunwari’y nasaktan ng labis. Takbo na siyang papasok at hindi na hinarap ang maraming tagahangang naghintay ng ma-tagal.

Ang younger sister niyang artista rin, ipinagsisigawan pa ang humablot na fan. Ang iba tuloy tagahanga ay labis ang paninisi sa “nakasakit” sa star.

Jasmine hindi mapilit mag-react sa eskandalo ng Ate Anne

Pumirma ng bagong three-year contract si Jasmine Curtis Smith with TV5. Ngayon ay higit na oras na ang ibibigay ng young actress sa kanyang showbiz career.

Ang unang hiling niya under the new pact, matuloy ang isang proposed project with Nora Aunor. Gusto niyang makasama sa teleserye o movie ang Superstar dahil alam niyang marami siyang matututuhan tungkol sa pag-arte at iba pang bagay tungkol sa pagiging tunay na artista.

Kahit piliting mag-comment si Jasmine tungkol sa nangyari sa bar sa kanyang Ate Anne Curtis, tumatanggi sya. Katuwiran ng batang sister, wala siya doon sa bar kaya wala siyang karapatang mag-comment.

Mayor Erap ipinaubaya na kay Jake ang desisyon sa future kay Andi

Hanggang ngayon ay “no comment” pa rin ang sagot ni Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada kapag tinatanong ang opinion sa pagbabalikan nina Andi Eigenmann at anak niyang si Jake Estrada.

Kung tungkol lang kay Jake sinasagot naman niya, “Bahala na siya. He is old enough to decide for himself and for his future.”

O, ayan, hindi naman pala tutol ang dating pa­ng­ulo sa love affair nina Andi at Jake. Ewan ko lang kung approved naman ito sa mother ni Jake na si Laarni Enriquez.

Kidney failure sanhi ng pagkamatay ni Papadom ng Tropical Depression

Condolences sa relatives, friends, at mahal sa buhay ni Dominic “Papadom” Gamboa na pumanaw due to kidney failure late Wednesday, Dec. 18. He was the leader and vocalist of the popular Pinoy reggae band Tropical Depression.

Isa sa mga hit ng banda ay ang Kapayapaan.

Jake ayaw masira ang matagal nang friendship kay Sam

Kahit magkaribal kay Jessy Mendiola sina Jake Cuenca at Sam Milby ay naging intact naman ang friendship ng dalawa.

“I don’t want to ruin our friendship,” say ni Jake. “Matagal na kaming magkaibigan ni Sam at ayos naman kung mananatili kaming mabuting magkaibigan. Ang tungkol kay Jessy, may the best man win, ’ka nga.”

vuukle comment

ANDI

ANDI EIGENMANN

ATE ANNE

ATE ANNE CURTIS

CHURCH OF THE RISEN LORD

JAKE

TROPICAL DEPRESSION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with