^

Pang Movies

Ryan kinontrata na uli sa pagbalik ng Talentado...

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Nakausap namin si Noel Ferrer, ang manager ni Ryan Agoncillo, last Friday at totoo raw na muling ini-offer ni Noel Lorenzana, presidente ng TV5, sa kanyang alaga ang pagho-host ng Talentadong Pinoy. Nagkausap pala si Mr. Lorenzana at Tony Tuviera ng APT Entertainment at gusto nitong i-line produce ang show. Matatandaang ang Talentadong Pinoy ang unang show na nagbigay ng mataas na rating sa TV5 hanggang sa final episode nito. 

Ayon pa rin kay Noel, wala raw magi­ging problema kung sa­kaling matuloy ang show next year dahil wala namang exclusive con­tract si Ryan sa GMA Network at two seasons lamang ang contract nito sa original game show na Picture! Picture!

Kahit daw mag-extend pa ito, no problem pa rin dahil sa Sunday slot ilalagay ang Talentadong Pinoy at ang Picture! Picture! naman ay every Saturday evening, after ng 24 Oras Weekend napapanood.

Winwyn magbyu-beauty queen muna bago tumanggap ng sexy roles

Teresita Marquez pala ang real name ni Winwyn Marquez, na sunod sa name ng lola niya sa amang si Joey Marquez. 

Ang Winwyn ay nickname niya dahil nang isilang siya ay nanalong Mayor ng Parañaque City ang daddy niya. Wala raw problema sa kanilang magkaka­patid, friends daw naman sina Joey at Parañaque Councilor Alma Moreno. Madalas din daw nilang kasama ang mama nila at ang cute na adopted two-year-old daughter na si Alpha. Iyong adopted sister din nila noon nina Joey at Alma, si MM, ay 13 years old na ngayon. 

Kahit sexy si Winwyn, hindi pa rin siya tumatanggap ng sexy roles, siguro kapag naka-join na siya ng beauty contest. Sa ngayon, mga kontrabida role ang ginagawa niya like sa Sunday soap nilang Dormitoryo na napapanood after ng Sunday All Stars sa GMA 7.

Kontrabida naman siyang muli sa bagong telefantasya na Kambal Sirena na makakasama niya uli si Louise delos Reyes at Mike Tan at ididirek ni Bb. Joyce Bernal.

Sa pag-join niya sa beauty contest, ayaw pala ng papa niya na sumali siya pero bata pa raw siya, dream na niya iyon, lalo na kapag nakikita niya ang mga tita niya, sina Via Marquez-Hoffman at Melanie Marquez, Miss International. Advice raw sa kanya ni Via, dapat ay laging maganda siyang maglakad, laging maganda, at laging maayos ang bihis. 

Pero sa ngayon, ayaw pa raw siyang payagan ng manager niyang si Jonas Gaffud na mag-join ng beauty contest dahil she’s only 21 years old, siguro raw after two years puwede na siyang sumali sa kahit anong beauty pageant na babagay ang kanyang morena beauty. She now stands 5’7” in height at imi-maintain lamang niya ang weight niyang 110 lbs.

vuukle comment

ANG WINWYN

COUNCILOR ALMA MORENO

JOEY MARQUEZ

JONAS GAFFUD

JOYCE BERNAL

NIYA

TALENTADONG PINOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with