^

Pang Movies

Beking TV character gahaman sa lalaki

MASA...RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Sinundan kami sa canteen ng isang network ng isang beking TV character habang nag-snack with my young, handsome friend. Akala ko magmemer­yenda rin ang baklesh, iba pala ang kanyang intensyon.

Dahil lubos ang tiwala, hindi ko namalayan na gumagapang na pala ang kanyang kamay sa ilalim ng mesa upang kapain ang harapan ng aking kasama. Tunay na manyakis at gahaman sa lalaki ang artista. Nabigyan pa niya ng calling card ang aking kaibigan.

Ginatungan ko pa na tawagan ang baklesh dahil kilala ito sa bansag na Donya Biglang-Datung. True enough, isang date pa lang ng guy sa gay, nakabili na ang menchu ng wide screen, HD TV set, mga imported na damit at gamit!

Ricky Reyes nakakaalala sa mga lumang kaibigan

Kahit madalang ang dating ng Christmas gifts from celebrities, natanggap pa rin namin ang mga regular na regalo sa mga generous showbiz friend. Nagpadala na si Mother Ricky Reyes ng kanyang usual Christmas card pero ang sabi na kay Tita Nene Riego pa ito.

Maraming salamat Ricky, na kahit hindi tayo nagkikita, naalala mo pa ang iyong old friends!

Int’l entertainer umiiwas sa ’Pinas, ayaw maalala ang Pinay singer na nang-basted

Iniwasan ng isang international entertainer ang ating bansa dahil ayaw niyang maalala ang pangba-basted sa kanya ng isang Pinay singer. Nagtangka ang worldwide star pero hindi siya nakapasa. Committed na kasi ang local singer kaya hindi niya puwedeng patulan ang nanligaw sa kanya.

Kaya sa tuwing may world tour ang brokenhearted star, hindi na niya isinasali sa kanyang itinerary ang Pilipinas.

JC ayaw ma-in love sa bubot

Imposibleng ma-in love si JC de Vera sa isang girl na menor de edad. Say ng aktor: “Malamang hindi kami pareho ng wavelength at marami pang bagay.’’

Ayon pa kay JC, iba talaga kung parehong mature ang magka-partner.

Talaga namang bihira mangyari ang May-December affair. Agad-agad, maraming kumokontra.

Janice at John magsasama sa nochE buena

Inamin ni Janice de Belen na nag-uusap na sila ng kanyang dating mister na si John Estrada. Buti naman dahil isang network lang ang kanilang ginagalawan. Kung patuloy silang mag-iiwasan, baka bumangga pa sila sa malala-king poste roon, o madapa sa madulas na sahig.

Higit na sasaya ang Pasko ng kanilang mga anak lalo pa’t posibleng magkasa­ma-sama sila sa noche buena. Simula kasi nang ma-annul ang kanilang kasal noong 2004, hindi na nagkibuan ang dalawa.

Young actor nawala ang tikas, malapit nang sumunod kay BB!

Dati’y mukhang macho ang isang teen idol. Nabalitang naging benefactor niya ang isang rich gay, na sumusustento sa lahat ng luho ng kanyang lifestyle.

Kaya lang nang huling makita namin ang young actor, tila naging mahin­hing girlie sanchez na! Pati ang mga ngiti niya ngayon, tipid na tipid. Kailan naman kaya siya maglaladlad upang madagdagan ang lahi ni BB Gandang­hari?

Metro Manila humigpit ang kapit sa Oscars sa pagkakapanalo sa Bri­tish indie filmfest

Nagwagi ng tatlong trophy ang Metro Manila ni Sean Ellis sa British Independent Film Awards — best indie film, best director, at achievement in film production.

Ang mga Pinoy na si John Arcilla, nominated as best supporting actor at Jake Macapagal best new actor.

Isa sa malamang na maging finalist sa 2014 Oscars best foreign language film ang Metro Manila. Kasali rin sa mga naglalaban para mapili sa five nominees ang Transit ng Pilipinas.

Isa pang lalahok sa kategoryang ito ang Ilo-Ilo na gawa ng Singaporean na si Anthony Chen at bida ang Pinay na si Angeli Bayani.

vuukle comment

ANGELI BAYANI

ANTHONY CHEN

BRITISH INDEPENDENT FILM AWARDS

DONYA BIGLANG-DATUNG

METRO MANILA

PINAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with