^

Pang Movies

Kasal sa 27 anyos na BF ni Tiya Pusit hindi na tuloy dahil sa PBB

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Hindi na matutuloy ang pagpapakasal ng komed­yanteng si Tiya Pusit sa kanyang 27-year old boyfriend na si Nathan Villa dahil hiwalay na raw sila nito.

Kinuwento ng 65-year old TV and film comedienne na tapos na ang relasyon nila ng kanyang boyfriend at pinagsabihan pa raw siya ng magulang nito na tigilan na ang pagbanggit ng pangalan ni Nathan sa mga interviews nito.

Ang isa ring rason kung bakit sila naghiwalay ay dahil nagpapatulong si Nathan na ipasok siya ni Tiya Pusit sa Pinoy Big Brother ng ABS-CBN 2.

Hindi napagbigyan ni Tiya Pusit ang request na ito ni Nathan kaya nanlamig na raw ito sa kanya.

Sa Facebook daw unang nagkakilala si Tiya Pusit at ang ex-boyfriend niya na nagtatrabaho sa isang call center. Ayon pa sa komedyante, sobra raw ang pagiging masigasig ni Nathan sa panligaw sa kanya.

Nagkaroon sila ng opisyal na relasyon noong April ng taong ito at binalak nilang magpakasal next year.

Adam pinaka-malaki ang TF sa Hollywood kahit hindi kumikita ang pelikula

Ang Hollywood comedian na si Adam Sandler ang nanguna sa listahan ng Forbes Magazine as the “most-overpaid actor”.

Ito ay ang mga artistang matataas ang talent fees pero hindi naman kalakihan ang mga kinikita ng kanilang mga pelikula.

Tinalo ni Sandler sa list sila Eddie Murphy at Katherine Heigl.

Ayon sa Forbes, si Sandler lang daw ang nababayaran ng $15 million per film kahit na ang mga huling pelikula na kanyang ginawa ay hindi masyadong kumita ng malaki.

At may special arrangement pa si Sandler sa pagbayad sa kanya. Kailangan ay “up front” ang bayad sa kanya bago niya simulan ang pag-shoot ng pelikula.

Kasama rin sa listahan ng overpaid actors in Holly­wood ay sina Reese Witherspoon, Nicholas Cage, and Kevin James.

Young actress walang problema sa bading na kapatid

Hindi kinakahiya ng isang young actress ang pagiging bading ng kanyang kapatid na lalake.

Medyo naging kontrobersyal ang kapatid na lalake ng isang young actress nang magpa-interview ito sa television. Marami ang nakapansin na kakaiba ang kilos at pananalita nito.

Nang minsan daw tanungin ito ng ilang taga-media kung gay ba ito, umamin naman daw ito na isa siyang bading.

Kinumpirma naman ng young actress na totoong gay ang kapatid nila at wala naman daw problema ito sa kanila.

Matagal na raw nag-out ang kanyang kapatid at tanggap naman daw nila ito. Kung ano raw ang makapagpapasaya sa kanyang kapatid, ‘yun ang gusto nila.

Kung tutuusin ay puwede ring mag-artista ang kapatid ni young actress. Pero mas gusto raw nito na wala sa limelight dahil may sarili raw mundo ito at ayaw nitong itago ang tunay niyang pagkatao.

Doon naman daw hanga ang young actress sa kanyang kapatid dahil malaya itong ihayag kung ano siya talaga.

Sa showbiz kasi ay kailangan mo pang itago ang tunay mong pagkatao para lang magustuhan ka. Malaking pressure raw ang magkaroon ng image dahil kailangan ay ma-maintain mo iyon or else loss ang career mo.

vuukle comment

ADAM SANDLER

ANG HOLLYWOOD

AYON

KAPATID

NATHAN

RAW

SANDLER

TIYA PUSIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with