^

Pang Movies

Marian manghihingi ng mga bangka

- Vinia Vivar - Pang-masa

Kung si Dingdong Dantes ay magpapagawa ng classrooms sa Estancia, Iloilo, ang girlfriend naman niyang si Marian Rivera ay may sarili ring paraan para makatulong sa mga biktima ng Typhoon Yolanda sa Cebu.

Sa get-together with the entertainment press held last Sunday, inanunsiyo ni Marian ang kanyang Kapuso Adopt-A-Bangka Project kung saan ay magbibigay sila ng mga bangka para naman magamit sa pangingisda ng mga nawalan ng kabuhayan sa Cebu dahil sa bagyo.

Napagdesisyunan ni Marian na sa halip na magpa-party at magpa-raffle for the press, itutulong na lang niya sa mga naging biktima ng kalamidad lalo pa nga’t malaki-laki ring pera ang kakailanganin dahil ang isang bangka raw ay nagkakahalaga ng P20,000 to P30,000.

Kaya nga, say niya, kailangan din daw niya ng mga mabubuting loob na magdo-donate ng mga bangka para mas maraming pamilya ang matulungan.

Sa kanilang survey ay may 1,000 families din ang nangangailangan ng bangka at hindi birong halaga ito.

“Siguro po, alam namin, kung hindi man namin mabigyan lahat, at least, kung halimbawa three hundred pamilya mabigyan namin, alam natin na may hanapbuhay sila. Siyempre po, alam naman po namin na hindi rin naman biro ang thirty thousand pesos sa isang tao.

“At baka po by next week, ipo-promote na rin namin. May campaign ako, may pictorial ako, para malaman na rin ng tao,” she said.

Naisip ni Marian ang proyektong ito dahil nais niyang mabigyan ng kabuhayan ang mga tao since alam niyang pagkatapos ng relief goods ay mahihirapan pa rin ang mga ito kung wala silang hanapbuhay.

Dagdag pa ng aktres, “Ang tanong po, after the relief goods po, ano po ang meron ’yung ibinibigay nila? So, nakapag-decide po kami… ako rin po ang nagsabi na, ‘Bakit hindi natin bigyan ng kabuha­yan?’”

Katuwang niya sa proyektong ito sina Oliver Amo­roso at si Anne Marie Tan. Base sa survey nila, ang hanapbuhay ng mga tao sa Northern Cebu ay pagtitinda at pangingisda kaya nga bangka ang naisip nila.

Kaya nga nang matanong kay Marian kung ano ang Christmas gifts nila ni Dingdong sa isa’t isa, aniya ay wala raw.

“Sa ngayon, ang usapan namin, wala muna kaming regalo sa isa’t isa. Sabi namin, ‘wala muna tayong mga rega-regalo, magkanya-kanya muna tayo.’ Siya sa Yes Pinoy Foundation, ako naman dito sa bangka ko. Ganun na lang muna,” sabi ni Marian.

Samantala, napa-yehey naman ang aktres nang ibalita sa kanya ng entertainment press na ikakasal na si Karylle sa March.

As everybody knows, dating boyfriend ni Karylle si Dingdong bago pa man niya maging girlfriend si Marian.

“Yehey, ikakasal na siya. Masaya naman ako para sa kanya,” sabi ng Kapuso actress.

Siyempre, ang kasunod na tanong, kelan naman sila ni Ding­dong?

“Kami? Huwag kayong mag-alala, sabi ko naman sa inyo, kapag nakapagdesisyon na ako nang buung-buo, ’yun ’yung sinasabi ko at sinasabi rin ni Dong na ‘in time.’

“Ang hirap kasing sabihin sa sarili na parehas tayong ready pero ano pa ba ang gusto kong gawin? Marami pa akong gustong gawin, lalo na ngayon,” pahayag ni Marian.

 

ANNE MARIE TAN

BANGKA

CEBU

DINGDONG DANTES

KAPUSO ADOPT-A-BANGKA PROJECT

KARYLLE

MARIAN

NAMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with