^

Pang Movies

Bold actor na nalulong sa masamang bisyo at nasangkot sa kaso nagtatago na sa ibang bansa

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nag-self-exile na pala ang isang indie bold actor nang wala man lang nakakaalam. Papaganda na sana ang career ng indie stud pero dahil sa saglit na kasikatan, nalulong siya sa masamang bisyo.

Kaya naman nagulat ang taga-showbiz nang masangkot siya sa isang kaso. ’Yun nga lang, biglang nagkaroon ng news blackout sa kaso niyang ito. Eh limitado lang ang kasikatan niya kaya hindi masyadong naging interesado ang media sa kanya.

May naiwan palang indie movie ang stud na ipalalabas this month. Pero may duda ang marami na hindi na babalik ang bold actor. Tutal naman ’yung kasama rin niyang indie actor sa sex flick ay nagtatrabaho na rin sa ibang bansa.                                                         

AiAi nami-miss sa filmfest

Nami-miss ng entertainment press si AiAi delas Alas ngayong Disyembre. Wala kasi siyang festival entry kaya naman ’yung mga bonggang raffle na siya ang pasimuno ay waley ngayon except nung pa-raffle ni Vice Ganda sa presscon ng festival entry niyang Girl, Boy, Bakla, Tomboy.

Last year kasi kung saan kasama si AiAi sa Sisterakas, ready si AiAi na mag-share ng blessings. Hindi naman siyempre nagpahuli si Kris Aquino. Ready din siya sa datung na ipina-raffle. Kaya naman nung presscon ng My Little Bossings, binanggit ni Kris si AiAi na wala that time sa bansa. Hindi na kasi ipina-raffle ni Kris ang inihandang datung.

Dumating na sa bansa si AiAi at sinorpresa si Lea Salonga sa nakaraang concert niya. Pero aalis din siya dahil may concert siya sa Doha, Qatar this coming week. Wait na lang namin ang text ng Concert Comedy Queen sa kanyang pagbabalik!

Wala pa sa bansa si Popoy Caritativo na taun-taon ay nagsi-share rin ng blessings kasama ang mga talent niya. Next week pa ang dating niya kasama ang mga artist na sina Dennis Trillo at Tom Rodriguez para sa My Husband’s Lover concert tour. Malalaman natin pagdating niya kung tuloy pa rin ang Christmas tradition niya with the press kahit wala na sa poder niya si Marian Rivera.

 

vuukle comment

CONCERT COMEDY QUEEN

DENNIS TRILLO

KAYA

KRIS AQUINO

LEA SALONGA

MARIAN RIVERA

MY HUSBAND

MY LITTLE BOSSINGS

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with