^

Pang Movies

Parehong nasarapan: Sam sinipsip ang legs ni Eugene

- Vinia Vivar - Pang-masa

Sa rami na ng acting awards na natanggap ni Eugene Domingo, natanong ang aktres/komedyana kung ine-expect pa ba niyang manalo ng best actress award sa Metro Manila Film Festival para sa pelikula niyang Kimmy Dora (Ang Kiyemeng Prequel).

“Sa totoo lang, ang sarap-sarap manalo sa Metro Manila Filmfest, kasi may cash sa totoo lang. ’Pag best actress yata one hundred thousand pesos (ang cash prize) basta present ka sa awarding saka present ka sa dinner. ’Pag absent ka sa awarding, fifty percent lang ang ibibigay. So, present ho ako, ina-announce ko na,” hirit ni Uge sa presscon ng naturang movie last Monday.

“Kung iniisip kong mana­na­lo ako, wala naman sigurong kwenta kung iisipin kong mananalo ako o hindi kasi, meron namang jury para diyan, sila na lang ang mag-isip, ’di ba? ’Tapos ang gusto ko sana talagang mangyari, bukod doon sa mananalo ng kung anu-ano, ay talagang maraming-maraming manood. Una sa lahat ’yun muna – maraming, maraming manood,” say ni Uge.

So, mas excited ba siya sa cash kaysa sa trophy ng MMFF?

“Ah... oo eh,” sagot niya at tawanan ang lahat. Pero walang biro, ayon kay Uge, ang Kimmy Dora (Ang Kiyemeng Prequel) ang pinaka-the best sa tatlong installments ng pelikula.

“If you don’t agree with me, then, I’m not going to do another movie again,” dare pa niya.

Bukod sa ito raw ang pinaka-demanding sa lahat dahil napakaraming fight scenes, first time raw na makikita sa pelikulang ito ang bagong technology called modula.

“We used modula, motion-controlled camera, this very sophisticated camera kung saan it’s very necessary para makapag-shoot ka ng kambal and then we were dependent on the counting. It’s hard but ’pag napanood mo, at least, medyo papantay na tayo pagdating sa paggawa ng pelikula sa Hollywood or sa mas advanced technology sa Asya.

“And I’ve been very proud of that because pinush (pushed) talaga ni Direk Chris Martinez that we use that camera na ang meron lang sa Pilipinas ay Unitel,” paliwanag ni Uge.

As we all know, kambal ang role ni Uge sa pelikula pero may MMFF entry din si Vice Ganda na apat namang katauhan ang ginagampanan nito, ang Girl, Boy, Bakla, Tomboy.

“Oo nga,” sabi ni Uge. “Hangang-hanga nga ako sa apat. Sa dalawa lang, minsan, mauubos na talaga ’yung lakas ko eh. So, wow, grabe, kaapat-apat ’yung apat!”

Sa presscon pa rin ng Kimmy Dora, sobrang ’kaaliw nang mapag-usapan ang “sipsipan” scene nina Uge at leading man na si Sam Milby.

May eksena kasing sinipsip daw ni Sam ang legs ni Uge at sabi ng komedyana, enjoy na enjoy siya habang ginagawa ang scene at take note, take three pa raw.

“Masarap palang mahalikan sa legs! Malapit-lapit na ‘doon,’” say ni Uge na pati si Sam ay natawa.

May eksena raw kasi na kunwari ay sinisipsip ni Sam ang poison sa legs niya.

“’Tapos sinipsip mo talaga?” tanong ni Uge sa kata­bing si Sam. “Bakit sinisipsip mo talaga? Wala namang close up.”

“Nadala ako sa eksena. Masarap ba?” sagot naman ni Sam kaya tawanan na naman.

“Siyempre,” sagot naman ni Uge, sabay sigaw ng “Thank you, Direk!”  Hahaha!

ANG KIYEMENG PREQUEL

DIREK CHRIS MARTINEZ

EUGENE DOMINGO

KIMMY DORA

MASARAP

METRO MANILA FILM FESTIVAL

METRO MANILA FILMFEST

PAG

UGE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with