^

Pang Movies

Bigtime blowout inilunsad ng Unang Hirit

Pang-masa

MANILA, Philippines - Paskung-pasko na sa Unang Hirit dahil kahapon, Disyembre 2, may bonggang pa-Christmas party ang buong barkada para sa mga piling barangay - ang Bigtime Blowout!

Nakisaya sa pagbisita ng ilan sa mga Unang Hirit barkada na mistulang Santa Claus na maagang pamimigay ng aginaldo.  Maliban sa naglalakihang regalo, may naghihintay din na mga bonggang papremyo sa mga Kapuso na sasali sa mga early morning challenge! Iikot rin ang Bigtime Blowout sa iba pang bahagi ng Pilipinas bilang handog sa mga nasalanta ng iba’t ibang kalamidad.

At may pagkakataon din ang mga fans na makahiritan nang live at on-air ang kanilang mga idol.

Tuluy-tuloy pa rin ang paghahatid ng mga bagong balita at makabuluhang panayam at talakayan.

Salubungin ng maaga ang Pasko kasama ang sina Arnold Clavio, Susan Enriquez, Rhea Santos, Ivan Mayrina, Suzi Abrera, Lyn Ching, Love Añover, Connie Sison, Pia Arcanghel, Lhar Santiago, Luanne Dy, Tonipet Gaba at Monica Verallo simula ngayong Lunes sa Unang Hirit, 5:00 am sa GMA7.

DATING JANITOR NA NAGING PAROL KING NG PAMPANGA, BIBIDA

Idedetalye ni Karen Davila kung paano umangat sa buhay ang isang dating janitor sa Saudi Arabia at naging isa sa mga nangungunang supplier ng mga parol sa bansa ngayong Miyerkules (Dec 4) sa My Puhunan. 

Tatlong taong naging OFW si Rolando Quiambao, ang tinaguriang Parol King ng Pampanga, bago siya naglakas-loob na simulan ang RolRen’s Lanterns noong 1986. Gamit ang puhunang P300, nabuo ni Rolando ang kauna-unahan niyang parol at naibenta ito sa halagang P450.

Ang malikhaing paggawa ng mga parol ang nagpasikat at nagpayaman kay Rolando. Isa na siyang “hall of famer” sa Giant Lantern Festival sa Pampanga matapos manalo ng apat na beses sa kumpetisyon. Bukod pa rito, ang RolRen’s na rin ang nangungunang supplier ng mga parol sa bansa at nage-export na rin ng mga produkto sa Amerika at Europa. 

Sa episode, ililibot din ng singer-actor na si Sam Milby si Karen sa kanyang authentic German restaurant sa Bonifacio Global City at magpapakitang gilas sa pagluluto.

Samantala, ibibida naman ni Doris Bigornia ang nakakaantig na kuwento ng isang kandidata sa Mutya ng Salinas, isang beauty pageant sa Salinas, Gen Trias, Cavite na hango sa programang Mutya ng Masa.

Ang mga pwedeng sumali rito ay mga teenager na taga-Salinas na ang mga magulang ay nagtitinda ng tinapa, mangingisda, tindera, at kung ano pa mang trabahong “pang-masa.”  

Tutukan na ang katuwang ng Pilipino sa pagsisimula at tagumpay, ang My Puhunan bukas (Dec 4), at ang katuwang sa lungkot at ligaya ng buhay, ang Mutya ng Masa ngayon (Dec 3), 4:15 p.m. sa ABS-CBN.

Rafa Siguion-Reyna aT Gwen Zamora makikigulo sa Vampire

Ngayong Sabado sa Vampire ang Daddy Ko, nararamdaman ni Victor (Vic Sotto)  na naririndi na siya kay Mamimita, na si Sonya (Pilita Corrales), bigay atensiyon na nga siya sa kanyang mother kahit na nasa tamang edad na ito.  Para maaliw si mamita tinawag ni Victor ang kanyang Kuya na si Vagets (Rafa Siguion-Reyna). Sa pagdating ni Vagets lalo pang nagkagulo.

Kaya biglang  nagkaroon ng  sibling rivalry sa pagitan nina  Victor and Vagets. Nag-alala tuloy si  Bebe (Bea Binene) at Derry (Derrick Monasterio), kung kaninong team kaya sina  Bibo (Anjo Yllana) at  Stef (Sef Cadayona).

Guest din si Gwen Zamora), ang ex-girlfriend ni Vagets’na naghahanap kay Vladimir Ventura na dagdag na problema ng pamilya, Abangan ngayon Saturday’s episode of Vampire ang Daddy Ko after Picture! Picture! only on GMA7.

 

BIGTIME BLOWOUT

DADDY KO

GWEN ZAMORA

MUTYA

MY PUHUNAN

RAFA SIGUION-REYNA

UNANG HIRIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with