Aktor na nagmaldito kinalasan ng dyowang exec
MANILA, Philippines - Iniyakan ng isang aktor ang pakikipagkalas sa kanya ng isang network executive. Matigas din kasi ang ulo ng aktor na inalagaan ng executive upang sumikat.
Eh kaso hindi pa rin nagbago sa work attitude ang aktor. PaÂlibhasa nakatikim ng konting kasikatan kaya agad lumaki ang ulo. Itinengga siya ng executive hanggang sa mag-expire ang contract.
Pag-expire ng contract, agad lumipat ang aktor na nabiyayaan naman ng bagong sigla sa career kahit na nga wala na ’yung init ng publiko sa kanya!
Gov. Vilma isang linggong busy sa foundation ng Batangas
One week na kasiyahan ang handog ng Batangas Province simula sa Linggo, Disyembre 1 hanggang Disyembre 8 kaugnay ng Foundation Day ng nasaÂbing lalawigan.
Sa pamumuno ni Gov. Vilma Santos-Recto, Bisita-Batangas ang sisimulan sa Linggo. Kinabukasan ay magkakaroon ng Trade Fair and Photo Exhibit sa hapon at sa ganap na alas-sais nang gabi, lighting of parol naman ang masasaksihan.
Sa Dec. 5 ay merong Mutya ng BataÂngas talent competition na gagawin sa Batangas City Convention.
Sa Dec. 7 ng gabi, ang grand finals ng Voices, Songs and Rhythms (VSR) ang mapapanood sa Batangas City Sports Coliseum Grounds at sa huling araw, Dec. 8, ang Festival dance and Float Parade sa streets ng Batangas City ang magaganap sa umaga after ng misa kaugnay ng Immaculate Concepcion feast day.
Marian naantig nang bumisita sa mga binagyo
Naging bahagi ng Operation Bayanihan si Marian Rivera sa Cebu City upang mamigay ng tulong sa biktima ng bagyong Yolanda.
Personal na iniabot ng GMA Primetime Queen ang tulong na inorganisa ng GMA Kapuso Foundation.
“Nakita ko kung paano naapektuhan ng bagyong Yolanda ang marami nating kababayan kaya naantig ang aking puso. Kaya hindi ko na pinalampas ang pagkakataong ito upang makapagbigay ng kahit konting pag-asa sa mga nasalanta,†rason ni Marian.
- Latest
- Trending