Demandahan ng dating magka-live in tuloy pa rin
MANILA, Philippines - ‘Tuloy pa rin pala ang demandahan ng dating live in couple na celebrities. Gustong makipag-ayos ng babae pero biglang umayaw dahil ayaw daw magbayad ng perhuwisyong ginawa sa lalaki.
Pero kapag nakikita ang babae, move on na raw siya sa dating boyfriend. ‘Yun nga lang, may nakakakita pa sa kanyang laging umiinom hanggang madaling-araw dahil hindi pa maka-get over sa dating ka-live in.
Kung meron nang steady job ang lalaki, si babae naman ay paminsan-minsan lang ang work pero nagagawa pa ring bumili ng mamahaling bagay na gamit sa sarili, huh!
Gladys: Tahimik na tumutulong ang INC
Naungkat muli kay Gladys Reyes ang isyung hindi pinapasok ang mga biktima ng bagyong Yolanda sa sambahan nila sa Iglesia ni Cristo sa Tac-loban. Dumepensa na ang aktres tungkol dito sa kanyang Twitter account pero personal niyang ipinahayag sa press ang nangyari nang bisitahin siya sa last taping day ng Pyra Babaeng Apoy.
“Siya lang naman ang…Sa totoo lang, nag-aantay din ako ng may magtatanong sa akin tungkol diyan. Sa tweet kasi…May nag-tweet sa akin. ‘Gladys, may idi-DM (direct message) ako sa ‘yo.’ ‘Yung nag-refuse kami ng church namin doon na mag-accept ng survivors.
“Siyempre, hindi totoo ‘yon. Una, ‘yung nagpalabas nu’n, na-confirm na poser. So hindi totoo ‘yung account niya. Kasi nakita rin ‘yung tread niya. Kung ano siya. Hindi, hindi totoo ‘yung account niya eh.
“Kasi mismong siya inaano ang sarili niya. Walang gagawa sa sarili niya ng ganoon,†paliwanag ni Gladys.
“Unang-una, hindi totoo na nag-refuse. Marami ngang families na…Kung nakatayo man ‘yon, siguro hindi namin kasalanan ‘yon kasi doon lang, nakikita namin na doon napupunta ‘yung mga abuloy namin. Kongkreto naming pagsambahan. Inaayos agad namin ang sira,†dugtong niya.
Bakit naging tahimik ang grupo nila ngayong Yolanda hindi gaya ‘nung medical mission nila sa Maynila na naging sentro ng kontroÂbersiya?
“Sabi nga, ang ginagawa ng kaliwang kamay, hindi na ipinaaalam ng kanang kamay. Tahimik lang po na tumutulong ang INC. Meron kaming proyekto na Kabayan Ko, Kapatid Ko na hindi lang po para sa kapatid sa Iglesia ni Cristo. Mas lamang po ang natutulungan sa hindi mga kapatid sa Iglesia!†katwiran ni Gladys.
- Latest