Pauleen napagkamalang anak ni Vic sa Macau
Nagkita kami kahapon ng aking bestfriend na si Pinky Tobiano para sa aming Thanksgiving at early Christmas lunch.
Kagagaling lang ni Mama Pinky mula sa Macau dahil pinanood niya ang laban nina Congressman Manny Pacquiao at Brandon Rios.
Maraming nakita na celebrities sa Macau si Mama Pinky. Na-sight niya sina Paris Hilton, David Beckman, Stephen Baldwin, Mayor Joseph Estrada, Cesar Montano, at Vic Sotto.
Naloka ako sa sagot ni Mama Pinky nang magtanong ako kung sino ang kasama ni Bossing Vic. Ang sagot niya? “Girl na bata!â€
Obvious ba na si Pauleen Luna ang girl na bata na tinutukoy ni Mama Pinky.
Alangan naman na ibang babae ang kasama ni Bossing eh si Pauleen lang naman ang kanyang girlfriend.
Napagkamalan na bata si Pauleen dahil bagets na bagets ang kanyang itsura kapag hindi naka- makeup.
Mommy D. binuweltahan ang mga nangungurakot
Nag-emote si Dionisia Pacquiao sa mga interbyu dahil hindi magalaw ng kanyang anak na si Congressman Manny Pacquiao ang mga datung nito sa bangko.
Awang-awa si Mommy Dionisia kay Papa Manny dahil hindi raw nito magamit ang pera na pinaghirapan.
Hindi lamang si Papa Manny ang hinahabol ng BIR. Pati si Mommy Dionisia, siniÂsingil nila ng buwis.
Nagtataka si Mommy Dionisia dahil matanda at jobless daw siya pero wanted din ng BIR. Napagdiskitahan niya tuloy ang mga nangungurakot daw sa gobyerno pero hindi naman siya nagbanggit ng mga pangalan.
May paliwanag si BIR Commissioner Kim HeÂnaÂes sa emote ng madir ni Papa Manny. Obligasyon ni Mommy Dionisia na magbayad ng tax dahil may mga ari-arian siya tulad ng kanyang mga bahay sa General Santos City.
Boyet at Sandy nag-enjoy sa kanilang kawanggawa
May plano na bumalik sa Visayas ang mag-asawang Sandy AnÂdolong at Christopher de Leon para mamigay ng relief goods sa mga biktima ng typhoon Yolanda.
Bumisita na ang dalawa at ang kanilang mga kaibigan sa Capiz at Antique. Sa susunod, ang mga kababayan natin sa Samar ang gusto nila na tulungan at bigyan ng relief goods.
Nag-enjoy sina Boyet at Sandy sa kanilang charity work dahil mababait ang mga tao na hindi nawawalan ng pag-asa, kahit naubos ang mga ari-arian at may mga kamag-anak sila na nagbuwis ng buhay.
- Latest