^

Pang Movies

Anak ni Lea nawi-weirdo-han sa Princess Lea

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Sa pamamagitan ng isang libro ay maise-share na ng Tony Award-winning actress na si Lea Salonga ang kanyang experience at success sa kanyang career.

Ang book na Princess Lea ay isang autobiographical children’s book na available na sa lahat ng National Bookstores. Ito ay kuwento ng unang karanasan ni Lea sa edad na anim na taong gulang pa lang noong mag-audition siya para sa isang role sa stage musical na The King & I hanggang sa kanyang success bilang si Kim sa Miss Saigon at the West End in London and on Broadway in New York City.

Ayon sa writer ng book na si Yvette Fernandez: “The book aims to inspire kids who also aspire to reach their dreams, just like what happened to Lea.”

Sa launch ng naturang libro, ang anak ni Lea at ng mister niyang si Robert Chien na si Nicole ang nagbasa ng two pages ng libro.

 â€œMy daughter is enjoying this very much. She’s like, ‘Is it weird? There’s a book about you?’

“I said, ‘No, it’s not weird. It’s fine.’ She’s in a very unique position that her mom has a book about her.

“She was very excited to see herself in the book too. She’s seven, I think she’ll enjoy everything. She’s not going to be overly critical of anything at this point,” sabi pa ni Lea.

Pacman naging agresibo

Ngayong Sunday na ang magiging mala­king paghamon para kay Pambansang Kamao Manny Pacquiao dahil sa kanyang laban kay Brandon Rios sa Macau. Ito ang kauna-unahang malaking event na inaabangan ng Pilipinas pagkatapos ng halos dalawang linggo na puro tungkol sa pagsalanta ng Bagyong Yolanda sa Kabisayaan ang napapanood sa telebisyon.

Higit na 5,000 katao na ang iniwang patay ni Yolanda at higit na apat na milyon naman ang nawalan ng tirahan at kabuhayan.

Dahil sa pangyayaring ito ay lalong naging agresibo si Pacman na makamtan niya ang pagpanalo sa laban kay Rios.

“I am more motivated for this fight, to win this fight, because of what happened in the Philippines. My countrymen, I want to make them happy. To bring honor to my country,” saad pa ni Pacman sa kanyang interview sa Yahoo! Sports.

Pagkatapos ng back-to-back na pagkatalo ay nagpahinga muna si Pacman at nag-concentrate sa ibang bagay. Ngayon ay handang-handa na siya sa muling pakikipaglaban niya.

“It’s good for me to have a rest like this. I feel like I’m hungry to fight again in the ring,” diin pa ni Pacman.

One Direction at Chef Jamie Oliver malaki na ang nakuhang donasyon sa UK para sa ‘Pinas

Ang sikat na boyband ngayon sa buong mundo na One Direction ay naki-parte sa isang telethon para sa Typhoon Yolanda victims na ginanap last Nov. 16 sa London BT Towers.

Ang group nina Harry Styles, Naill Horan, Zayn Malik, Liam Payne, at Louis Tomlinson ay sinamahan ng cast ng British series na Downtown Abbey at Strictly Come Dancing at ng celebrity chef na si Jamie Oliver.

Sabay-sabay nag-tweet ang One Direction to advertise the telethon na organized ng UK’s Disasters Emergency Committee (DEC).

Si Harry Styles mismo ang nag-invite sa kanyang mga follower sa Twitter na mag-donate para sa Pilipinas.

“Millions in the Philippines need clean water & shelter,” tweet ni Styles.

Sabi naman ni Liam, “The pictures I have seen of little children in between the ruins made my heart break. All of us in the band are shocked by how many people need help, so we’re asking the public to continue to be as generous as they possibly can.”

Ang sikat na si Chef Jamie ay ginamit ang Instagram video para hikayatin ang mga taga-UK na mag-donate sa pamamagitan ng isang simpleng text message.

“Please help guys I’m sure we’ve all been shocked by the devastation in the Philippines,” pag-anyaya pa ni Oliver.

Ayon sa report, ang DEC ay nakapag-raise na ng £35 million at umaasa pang madaragdagan ang mga donasyon.

 

vuukle comment

AYON

BAGYONG YOLANDA

BOOK

BRANDON RIOS

CHEF JAMIE

CHEF JAMIE OLIVER

DISASTERS EMERGENCY COMMITTEE

ONE DIRECTION

PACMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with