^

Pang Movies

Kapamilya star arestado, kapatid na nakakulong sinubukang patakasin

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Inaresto ang dating Pinoy Big Brother Teen Edition Plus housemate na si Beauty Gonzalez noong nakaraang Lunes ng mga operative ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) of the Philippine National Police (PNP) in Calapan, Min­doro dahil sa “obstruction of justice”.

Nai-post ito sa website na Island Sentinel, isang local newspaper na sumasakop sa Mindoro, Romblon, Marinduque, Laguna, NCR, at Region 4.

Ayon sa report, isang nagngangalang Christine Marie Gonzalez (tunay na pangalan ni Beauty) ay inaresto ng mga taga-CIDG noong nakaraang Nov. 18 dahil tinulungan diumano nito ang kanyang kapatid na si Michael Ryan Gonzalez na makatakas sa poder ng CIDG sa Calapan, Mindoro.

Inaresto ang kapatid ni Beauty noong Nov. 14 dahil nakasama ito sa mga na-involve sa kasong human trafficking na ipa-file ng Department of Labor and Employment at ng Department of Social Welfare and Development.

Naitakas daw ni Beauty ang kanyang kapatid nang linlangin nito ang mga CIDG official at sabihin na may bibilhin lang sila sa labas. Pinayagan naman daw sila.

Noong makasakay na raw si Michael sa kotse ni Beauty ay agad silang tumungo sa Calapan port na sasakay sana silang dalawa, kasama ang kanilang driver, sa isang ferry patungong Batangas port.

Pero pagdating sa Batangas port ay sinalubong na sila roon ng CIDG authorities at pinabalik sila sa Calapan.

Sa mga huling tweet daw ni Beauty ay nakabalik na ito sa kanyang trabaho sa ABS-CBN bilang kasama sa cast ng Maria Mercedes.

Nakilala si Beauty Gonzalez nang maging housemate ito sa Pinoy Big Brother Teen Edition Plus noong 2008 at nag-place siya as 4th runner-up. Nanalo sa edition na iyon ay si Ejay Falcon.

Megan nanghihingi ng $5 SA mga ’Kano

Nag-guest sa US talk show na Good Morning America si Miss World 2013 Megan Young para sa kanyang appeal to help aid the victims of typhoon Yolanda sa Pilipinas.

Nakasama ni Megan ang mga ABC anchor na sina Lara Spencer and Josh Elliot. Nalaman nila na ipinanganak sa Virginia si Megan and at 10 years old ay lumipat na sila sa Pilipinas.

Ikinuwento ng actress turned beauty queen ang matinding pinsala na dinaranas ng kanyang kababayan kaya hinikayat niya ang American audience na mag-donate sa Red Cross Philippines.

Pakiusap ni Megan: “As little as $5 could provide a whole family with water and rice, supplies for a good period of time.”

Sinamahan si Megan sa ABC studio ng Philippine Consul General of New York na si Mario Lopez de Leon, Jr.

Last week ay napagdesisyunan ng Miss World charity organization Beauty with a Purpose na i-donate ang lahat ng malilikom nilang proceeds para sa Pilipinas.

Babalik sa Manila si Megan on Nov. 27 para personal na dalhin ang kanyang mga natanggap na donations mula sa kanyang mga dinaluhang charity events and fund-raisers.

Una siyang pupunta sa Tacloban City on Nov. 28 at sa Coron, Palawan on Nov. 29.

Gossip Girl Leighton engaged na sa O.C. na si Adam

Engaged to be married na ang Gossip Girl star na si Leighton Meester sa kanyang boyfriend, ang bida ng series na The O.C. na si Adam Brody.

Kinumpirma ng People magazine na engaged na nga ang dalawa.

Very low profile nga ang relasyon ng dala­wa. Una nga silang nakitang nagde-date as a couple sa isang local Mexican restaurant sa Venice, California nung February.

“Adam put his arm around Leighton and the two smiled at each other while she snuggled into his chest before they headed out,” say ng isang reporter ng People.

Nagkasama na nga ang dalawa noong 2011 sa pelikulang The Oranges.

 

vuukle comment

BEAUTY

BEAUTY GONZALEZ

CALAPAN

KANYANG

MEGAN

MISS WORLD

PILIPINAS

PINOY BIG BROTHER TEEN EDITION PLUS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with