^

Pang Movies

Roco hanggang kaibigan lang kay Lovi, si Sarah ang dream na makasama

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Thankful si Rocco Nacino sa sunud-sunod na blessings na dumarating sa kanya. Hindi niya in-expect ang dalawang magkasunod na award na natanggap ng docu-drama niyang Bayan Ko sa GMA News TV, na personal niyang tinanggap, mula sa dalawang prestigious award giving bodies, ang Philippine Quill Awards for Excellence at sa 2013 Catholic Mass Media Awards (CMMA). Hindi nga raw niya malilimutan sa CMMA na nagmano pa sa kanya ang Archbishop at tinawag siyang St. Pedro Calungsod dahil siya ang nag-portray sa role ng ikalawang Santo ng Pilipinas, si Pedro Calungsod.

Nag-portray na siyang St. Pedro Calungsod noon sa GMA News TV, pero hindi niya malilimutan ang pagsu-shooting niya ng movie version nito na entry sa coming Metro Manila Film Festival sa December, ang Pedro Calungsod: Batang Martir na dinirek ni Francis Villacorta. Ang dami raw niyang hirap na pinagdaanan, ang pinakagrabe, iyong itinali siya sa bato at inilubog sa tubig, halos malunod na siya dahil tumaas ang tubig. Pero naniniwala raw siya na may miracle na ibinigay sa kanya at sa production ang Santong Martir dahil nalampasan nila ang mahihirap na pangyayari sa shooting. Nahirapan din siyang mag-dubbing ng Spanish at Cebuano dialogues niya.

Bukod sa kanyang drama series na Akin Pa Rin ang Bukas, siya rin ang napili ng GMA News & Public Affairs para mag-host, kasama si broadcast journalist Mariz Umali ng eye-opening docu-reality show na Out of Control (OC). Mapapanood na ito simula sa Sabado, after Startalk. Nagpapakita ito ng mga stories ng mga taong ang buhay ay pinapatakbo ng kanilang obsessions, ng madaliang pagdedesisyon, takot at anxieties. Ilang case studies na ang nagawa nila ni Mariz, na nagiging tagapakinig lamang sila ng mga subjects nila, kung bakit nila iyon ginagawa, hindi raw nila pinipilit ang mga kausap nila, hinahayaan nilang sila ang kusang magkuwento. 

Kay Mariz, nakatulong ang pagiging reporter niya para mag-open-up ang mga subjects nila at si Rocco, nakatulong ang pagiging registered nurse niya para sa mga cases na may kinalaman sa health. 

Inamin nilang they seek Divine Intervention bago sila magsimulang maki­pag-usap sa mga subjects nila. 

Sa pilot episode nila, tampok ang dog horder na may alagang 30 dogs at 9 cats. 

Pagdating sa love life, wala pa raw siyang girlfriend, hindi pa siya naghaha­nap, sa biro sa kanyang bakit siya maghahanap, katabi lamang naman niya si Lovi (Poe).  Special daw sa kanya si Lovi pero sa work lamang talaga ang relasyon nila. Darating daw kung sino talaga ang girl para sa kanya.

After the pocket interview ni Rocco, tumuloy siya para sa interview sa kanya ng Rated K para sa promo ng Pedro Calungsod: Batang Martir. then sa Viva Films para mag-sign ng two-year movie contract. Dream pala niyang makasama sa isang project si Sarah Geronimo.

vuukle comment

AKIN PA RIN

BATANG MARTIR

BAYAN KO

NILA

NIYA

PEDRO CALUNGSOD

SIYA

ST. PEDRO CALUNGSOD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with