^

Pang Movies

Pumalit kay Korina nanggagatong pa?!

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dalawang araw nang humahalili ang news reporter na si Jasmin Romero sa timeslot ni Korina Sanchez sa umaga sa DZMM. Siyempre added fame ito para sa baguhang field reporter kaya naman todo ang kampi niya kay Korina na balitang “forced leave” ngayon dahil sa kontrobersiyang kinasangkutan laban sa mga report ni Anderson Cooper ng CNN.

Kung nung Lunes ay pasimple lang ang katuwiran ni Jasmin na nasa Ormoc City, Leyte si Koring, kahapon ay lantaran na ang pagkampi niya at sinabing nasa Capiz naman ang pinalitan ng prog­ram anchor. Pero ang nakakabigla sa mga pahayag ng baguhang field reporter, aba, ang kakulangan naman daw ng local government unit (LGU) ng Tacloban ang kanyang binibira, huh!

Upang patunay na may warning ang PAG-ASA sa pagdating ng bagyong Yolanda, naglabas pa siya ng notes niya tungkol sa pahayag ng mga opisyal na delubyo ang darating na bagyo. Indirectly, gusto ipahiwatig ni Jasmin na ito na may negligence ang LGU ng Tacloban, huh!

Diyos ko naman, Jasmin! Sa halip na tumulong ay nagagawa mo pang manggatong! Mali ang ganyang ugali ng isang mamamahayag. Hindi porke ikaw ang nabibiyaang pumalit sa puwesto ni Korina sa radio, lisensiyado ka nang makipagsanib puwersa gayung wala ka naman sa mismong pinangyarihan ng bagyo.

Dahil sa ginagawa mong ’yan, hindi kami magtataka kung ikaw naman ang buweltahan ng mga netizen na humagupit kay Korina, huh! Unless, type mo ring maging kontrobersiyal gaya ng idolo mo!

Regine ka-duet si Ogie sa kanta ni Bruno Mars kapag nagsi-sex

Originally ay handog para sa anak na si Nate ang bagong album ni Regine Velasquez-Alcasid na Hulog ng Langit under Universal Records. Pawang mga kanta ng isang ina para sa anak ang karamihan sa mga songs na nasa album.

Eh nataong Nov. 8 ang birthday ng anak at ’yung din ang araw na nanalasa ang Yolanda sa Leyte at iba pang probinsiya sa Visayas, nagsilbing inspirasyon kay Regine ang nangyari sa ating  kababayan upang maghandog din ng ilang kanta para sa mga biktima.

In fact, may version sila ng asawang si Ogie sa album ng The Lord is My Saviour at ’yung kikitain sa pag-download sa iTunes ay ibabahagi nila sa mga biktima.

“Hindi kasama sa album ’yon dahil hindi na kinaya ng powers niya! Hahaha!” rason ni Songbird.

Pero ayon kay Regine, pagdating ni Ogie mula sa Duma­guete, magsi-sex daw sila nang bonggang-bongga! Panay kasi ang kulit ng press kung kelan masusundan si Nate.

So, anong kakantahin nila ’pag nagsi-sex sila ni Ogie?

“Huwag ka nang makialam! Hahaha! Meron kaming duet ng Just the Way You Are ni Bruno Mars. Iba ang kakantahin namin. Musical kami eh,” sabay tawa uli ni Songbird.

Pagdating sa kanyang acting career, by March ay aarte siyang muli bilang bahagi ng bagong kontrata sa GMA. 

 

vuukle comment

ANDERSON COOPER

BRUNO MARS

HAHAHA

JASMIN ROMERO

JUST THE WAY YOU ARE

KORINA

KORINA SANCHEZ

OGIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with