Baguhang aktres kulay violet ang kili-kili!
Ang itim naman ng kili-kili ng baguhang aktres na ito na hindi na bagets, higit bente anyos na siya. DaÂming pampaputi ngayon, may gamot, sabon, at lotion. Apply lang ’ne!
Gusto mo naman kalamansi lang para mura. After shower ilagay mo lang sa leki-leki mo at I tell you, puputi ’yan! Pangit tingnan ’pag mala-violet ang kulay ng armpit!
Aga balik sa magandang kondisyon
Nagbalik na ang nawalang kakisigan ni Aga Muhlach na naglaho for a while dahil sa pulitika. Nanguluntoy kaya siya, haggard, at makutim. Para pa nga siyang gutom. Pero grabe, this time, ay nag-gain na ng konting weight, kuminis, tisoy na ulit, at ibang-iba sa ngayon sa bagong show niya sa TV5, ang Let’s Ask Pilipinas.
Take note may mga inihahanda ang Kapatid Network na ilang shows at kasama na rito ang drama series for Aga sa 2014. Puwede, bata pa si Aga, ’no?!
- Latest