^

Pang Movies

Polo ipinangangalandakan ang pakikipag-live-in

FREELANCER - Emy Abuan Bautista - Pang-masa

Nakakuwentuhan namin si Polo Ravales na kontrabida sa Pyra: Babaeng Apoy. Kahit kontrabida ay sinabi nitong magiging mabait naman siya sa ending ng teleserye. Pangarap niyang gampanan ang karakter ng isang sundalo balang araw.

Kumusta naman ang kanyang love life?

‘‘May girlfriend na po ako at three years na ka­ming nagli-live-in,” diretsong sabi ng aktor. “Flight stewardees siya ng Qatar Airlines at magkasundo kami sa maraming bagay. Magpapakasal din kami balang araw.”

Kakandidato sana ang aktor sa Bataan noong nakaraang eleksiyon bilang board member pero hindi natuloy dahil hindi sila nagkaayos ng governor doon sa financial aspect. Gusto nitong subukan ang pulitika kaya mag-aaral ito ng public administration ngayong June.

May Chinese restaurant din si Polo na nasa BF Homes Parañaque na siya niyang pinagkakaabalahan bukod sa showbiz.

Angel limang beses na Most Beautiful

Nasa cloud nine si Angel Locsin dahil for the fifth time ay siya ang napiling Most Beautiful Woman 2013. Napili na siya noong 2006, 2007, 2008, 2010, at 2013.

‘‘Nakakataba ng puso. Maraming salamat sa inyo,’’ sabi ng aktres.

Hindi na siya kinukulit kung bakit sila nagkahiwalay ng dating boyfriend na si Phil Younghusband.

Abala na ang magandang aktres sa taping ng The Legal Wife katambal si Jericho Rosales. Kasama rin sina Christopher de Leon, Rio Locsin, Maja Salvador, JC de Vera, at Mark Gil, sa direksiyon ni Rory Quintos.

Malapit na rin siyang mag-shooting ng isang horror-suspense movie kasama sina Vhong Navarro, John Lapus, at Vandolph, na ididirek ni Joyce Bernal.

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

BABAENG APOY

HOMES PARA

JERICHO ROSALES

JOHN LAPUS

JOYCE BERNAL

LEGAL WIFE

MAJA SALVADOR

MARK GIL

MAY CHINESE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with