^

Pang Movies

Kahit grabe ang ginawang lampungan Gabby hindi ‘pinagsamantalahan’ si Cristine

- Vinia Vivar - Pang-masa

Sa totoo lang, bagay na bagay kay Gabby Concepcion ang kanyang role sa pelikulang When Love is Gone na remake ng classic movie ng magaling na yumaong direktor na si Danny Zialcita na Nagalit ang Buwan sa Haba ng Gabi.

Ginagampanan ni Gabby ang role na ginampanan ni Dindo Fer­nando noon na talaga namang napaka-meaty. May nagkomento nga sa presscon na isang kasamahan sa hanap-buhay na ito raw dapat ang naging comeback movie niya noong time na kararating lang niya from the US dahil bagay na bagay nga sa kanya ang movie.

Say naman ni Gabo sa presscon held last Wednesday niya, wala naman daw kaso ke noon o ngayon niya ginawa at nagpapasalamat daw siya sa Viva big boss, Vic del Rosario at sa anak nitong si Veronique del Rosario at kay June Torrejon-Rufino sa pagkaka-cast sa kanya in this film.

Sa pelikula ay may siyam na love scenes siya with Cristine Reyes na halos ka-edad lang ng kanyang panganay na anak na si KC Concepcion kaya natanong namin siya kung ano ang pakiramdam doing a love scene with someone na kasing-age lang ng kanyang anak.

“Wala naman kasi tinitingnan ko naman ‘yun as all part of the job. Trabaho lang talaga, walang personalan. Eh si Derek (Ramsay) nga, ‘di ba, sila yata ni Cristine during the time na nagsu-shoot kami, and walang problema kasi trabaho lang naman,” he said.

Naranasan na niyang magkaroon ng ganitong klaseng relasyon in real life?

“Wala akong karanasan sa ganyan, walang-wala talaga,” say ni Gabo na nangingiti kaya sabi namin ay hindi kami naniniwala.

But seriously, wala raw talaga. Aminado siyang may naging girlfriend siya na mas matanda sa kanya during younger years pero ‘yung mas bata sa kanya ng halos doble ng edad niya ay hindi pa raw talaga niya nararanasan.

Since napag-usapan nga si KC, natanong namin kay Gabby kung ano ang reaksiyon niya sa “dating status” ng anak kay Paulo Avelino at aniya, wala nga raw siyang alam tungkol dito.

“Actually, magkasama lang kami kagabi and hindi namin talaga napag-usapan. Pero tinutukso-tukso ko siya, sabi ko, “o, who you’re dating now?” sabi niya lang, she’s just going out.”

Pero kilala naman niya siguro si Paulo?

“Yes, kilala ko si Paulo and binati pa nga niya ako ng Happy b-day and pati si Luis Manzano, binati niya ako, pati si Jake (Cuenca, co-star niya sa When Love is Gone). So, hindi ko nilalagyan ng meaning ‘yun.

“Pero ang gusto ko naman sa younger generation, ‘yung respeto. Not all of them have it and I can say that only a few have that,” say ni Gabo.

Pasado ba si Paulo sa kanya?

“Hindi ko talaga siya kilalang-kilala pero kung sino naman ang gusto ni KC, naka-back-up ako. Kahit naman sa mga past relationships ni KC, sabi ko, “andiyan ako behind you, boto ako sa kanila, basta’t boto ka sa kanila”.

“Hindi ako tututol, hindi katulad ng ibang in-laws, hindi ako magiging ganu’n. Kung kasama sila ng anak ko at halimbawang may party, inuman, sasabayan ko sila.”

When asked kung ok ba sa kanya na single dad si Paulo, say niya ay hindi naman daw problema  ‘yun.

“Wala naman akong naririnig na negative sa kanya. Eh nangyari rin sa akin ‘yung ganu’n. Everybody makes mistakes and if you’re willing to repent for it and correct the mistakes, okay naman.”

So far ay wala pa naman daw dinadala si KC sa kanya na guy at pormal na ipinakikilalang boyfriend. Wala pa raw sa ganung level.

Pero ano naman ang reaksiyon niya sa sinabi ni Sharon Cuneta na gusto na nitong magka-apo kay KC? Okay din ba sa kanya?

“Baka nararamdaman na niya na gusto na niyang magkaroon ulit ng baby sa bahay. Ako naman din, I love babies. So okay lang,” he said.

Showing na sa Nov. 27 ang When Love is Gone at bukod kay Cristine and Jake, kasama rin dito sina Andi Eigenmann at Alice Dixson mula sa direksyon ni Andoy Ranay.

vuukle comment

KANYA

LANG

NAMAN

NIYA

PAULO

PERO

WALA

WHEN LOVE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with