^

Pang Movies

Fans disappointed sa mga sinusuot ni Ariella

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Kahit na maingay na ang pangalan ng ating Miss Universe representative na si Ariella Arida sa Russia, may mga na-disappoint sa sinuot niya sa National Costume Show dahil sobrang simpleng-simple raw ang suot nitong traditional Philippine Terno na ginawa ng Colombian designer na si Alfredo Barraza.

“As expected, the Latina beauties showcased their peacock-like dresses while the other contestants took everybody to Carnival with their grandiose and finely detailed costumes,” sinulat ni Lou Ramon Aguila ng International Business Times.

Ayon sa report ng Huffington Post:

“Held this year in Moscow, the annual National Costume Show is intended to showcase each contestant’s home country through an authentic costume… which is where it gets a little strange.

“Erin Brady of the United States represented us in a plastic Transformers costume (Michael Bay would be proud?), while Alexandra Fribourg of Sweden honoured her country’s Viking past in a metallic bustier and a sword.

“Miss Belgium Noémie Happart looked like she was dressed as the Devil complete a spiky red spear, and Miss Great Britain Amy Willerton wore royal robes so sexy we bet even Prince Philip would have a thing or two to say.”

Kahit hindi man nag-standout, hindi naman sana ito makaapekto sa magandang standing ni Ariella sa Miss Universe.

Award winning actress ‘di pa rin kayang makatrabaho ang mga dating kaaway

Naimbiyerna ang staff ng isang show sa award-winning actress na ito dahil at the last minute ay bigla itong nag-backout na maging guest.

Hindi nila maintindihan kung bakit ito biglang nag-backout dahil nakausap pa raw ito ng kanilang talent coordinator at okey na ang lahat.

Noong magtanong ang award-winning actress kung sino ang makakasama niya, doon daw biglang nag-iba ang isip nito at agad-agad na sinabing may appointment pala siya sa oras na iyon kaya hindi na siya makakarating.

Ang makakasama ni award-winning actress ay isang dating sexy actress na nakasama na niya noon sa isang pelikula noong kabataan nila.

Wala namang naisulat noon na nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan. Kaya in-assume ng TC ng show na okey silang dalawa.

“Dun sa isa ay okey lang. Excited pa siyang makita ulit si award-winning actress kasi dekada na noong huli silang nagkasama.

“Pero itong si award-winning actress ay may issue pala rito sa isa at mukhang malalim ang pinag-ugatan kaya agad-agad na hindi na siya puwedeng mag-guest.

“Wala namang nakakaalam ng conflict nilang dalawa. Kaya ayun, kailangan ibahin ang concept ng segment kasi nga nag-backout itong si award-winning actress,” sey ng aming source.

Ugali na raw ng award-winning actress na ayaw nitong harapin ang mga taong hindi niya nakasundo noon.

Ilang beses na raw nitong ginawa ang mag-backout sa mga guesting kapag nalaman niyang may makakasama siyang ginawan siya ng hindi maganda noon. 

Tom Cruise nagdemanda sa mga nag-akusang pinabayaan niya ang anak

Dinepensahan ni Tom Cruise ang kanyang pagiging mabuting ama sa anak nila ng kanyang ex-wife na si Katie Holmes. Sey ni Tom na naging maasikaso at mabuti siyang ama kay Suri pero labis itong naapektuhan nang maghiwalay sila ni Katie.

Nag-file ng demanda si Tom sa publisher ng Life & Style at In Touch dahil sa mga nilabas nilang stories na inabandona niya si Suri after na mag-divorce sila ni Katie in June 2012.

Umabot sa $50 million ang lawsuit na isinampa ni Tom sa dalawang magazines.

“I have in no way cut Suri out of my life -- whether physically, emotionally, financially or otherwise.

“Even during the times when I was working overseas and was not able to see Suri in person, we were (and continue to be) extremely close,” pahayag pa ni Tom sa kanyang mga documents.

“As my numerous emails with Suri’s mother du­ring this time period demonstrate, I was a constant presence in Suri’s life.

“While I’m sure my daughter misses me when I am not with her (as I miss her), she is a very happy child, and we have a wonderful relationship and cheerful phone calls.”

vuukle comment

ACTRESS

ALEXANDRA FRIBOURG OF SWEDEN

ALFREDO BARRAZA

AWARD

NATIONAL COSTUME SHOW

SURI

TOM CRUISE

WINNING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with