Elmo at Janine nagsabihan agad ng ‘I love you’
Huhusgahan na mamayang hapon, after ng Eat Bulaga, ang bagong love team nina Elmo Magalona at Janine Gutierrez, sa remake ng Villa Quintana na ilang taong sinubaybayan sa GMA 7 ng mga manonood in the early ’90s. Na-excite si Janine nang malaman niyang siya pala ang gaganap na Lynette sa remake ng soap sa afternoon prime ng GMA 7.
Hindi man niya napanood ang soap noon, alam daw niya iyon dahil paborito niya si Donna Cruz na siyang bida at katambal si Keempee de Leon. Na-meet na niya ng personal si Donna dahil dating ka-love team ito ng Uncle Ian de Leon niya, kapatid ng mommy niyang si Lotlot de Leon.
Si Elmo naman ay nagulat na sila ni Janine ang magtatambal dahil magkapatid sila sa unang Sunday soap na ginawa nila noon, ang Together Forever, with former ka-love team Julie Anne San Jose. He will play the role of Isagani, ang tunay na Quintana.
Pero hindi dapat mag-worry sina Janine at Elmo dahil mismong ang director nilang si Gina Alajar ang nagsabing sa first scene pa lamang, which she shoot na nagsabihan ng “I love you†ang dalawang lead stars, kinilig na raw siya. Basehan daw niya iyon kaya nakangiti siya habang pinapanood sila.
Hindi rin naman kasi nagpabaya si Direk Gina dahil two days niyang na-workshop sina Elmo at Janine at parehong masunurin ang dalawa sa mga ipinagagawa niya kaya sa tingin niya ay wala naman siyang magiging problema dahil very supportive rin sa dalawa ang mga kasama nilang sina Raymart Santiago, Sunshine Dizon, Paolo Contis, Tanya Garcia, Maricar de Mesa, Juancho Trivino, Rita de Guzman, Kyla, Roy Alvarez, Marky Lopez, at first soap naman ito ng Super Sireyna winner na si Francine Garcia.
Pakikiramay sa pamilya Recto
Nagpunta ng Tokyo, Japan si Batangas Gov. Vilma Santos-Recto, kasama ang buo niyang pamilya (Sen. Ralph, Ryan Christian, at sumunod doon si Luis Manzano last Friday, at mga kapatid niya), para magpahinga at i-celebrate na rin ang kanyang 60th birthday kahapon, Nov. 3.
Pero nabahiran ng lungkot ang dapat na masayang celebration dahil last Nov. 2, yumao ang mother-in-law niya, ang ina ni Sen. Ralph na si Mrs. Carmen Recto, na nagbabakasyon with friends sa Cambodia.
Wala pa kaming buong detalye tungkol pagkamatay ng ina ni Sen. Ralph pero mamayang gabi ay babalik na sila ni Gov. Vi ng Pilipinas at bukas naman iuuwi ang body ni Mrs. Carmen.
Our condolences, mula po rito sa PM at sa sister tabloid na Pilipino Star Ngayon.
- Latest