^

Pang Movies

Bossing Vic tinuruang mag-mature ang isip ni Pauleen

MASA...RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Nagpahayag na mismo si Pauleen Luna na ser­yoso ang love affair niya with Vic Sotto. Para sa actress/TV host, tunay ang pag-iibigan nilang dalawa.

Malaki ang pasasalamat niya kay Bossing na tinuruan siyang maging mature ang takbo ng isip. On her side naman, pinanatili niyang laging bata or feeling very young si Bossing.

Mukhang magtatagal ang romansa nilang da­lawa.

Tatlong best friends espesyal tuwing Nov. 1-2

Sa tuwing dalawang unang araw ng Nobyembre —All Saints’ Day at All Souls’ Day, napagtutuunan ng pansin ang mga pumanaw nating mga kaibigan. Kabilang sa kanila ang tatlo naming best friends na sina Babette (Arturo) Villaruel, Hermie (Abongga) Francisco, at Atty. Felimon (Billy) Balbastro.

Bukod sa naging writer at komiks/magazine editor si Babette, sumikat siyang artista sa TV at pe­likula. Bilang komedyante, isa siya sa nagsimula ng stand-up comic sa bansa. Ang mga palabas ni Babette sa National Press Club at iba pang venue, hinangaan at pinanood ng maraming tao.

Lagi nating natatandaan ang kanyang one-man show ng Miss Universe pageant spoof, ang version niya ng Sta. Zita and Mary Rose ng ating friend na si Mary Rose Jacinto at iba’t ibang impersonations ng mga sikat noon.

Si Abongga, isa sa mga hinangaang pangulo ng Philippine Movie Press Club (PMPC). Siya ang presidente ng club nang simulan ang Star Awards for Movies with Oskee Salazar, more than 25 years ago. Among the movie press, siya lang ang may com­plete collections ng classical at pop cassettes, CDs, and DVDs. Nasa collection niya rin ang halos lahat ng DVD ng classic and Oscars award-winning films. Siya rin ang tutor ng PMPC Choir.

Isa kami sa madalas pahiramin ni Abongga dahil naisosoli naman namin ng maayos ang mga hiniram. Isang tingin lang, alam na niya kung may kulang sa kanyang koleksiyon. Kapag nalaman ang title, batid niya agad kung sino ang nanghiram.

Isang bar topnother si Atty. Balbastro. Mahilig siyang mag-aral kaya nakatapos pa siya ng masters degree at diplomate ng journalism. Kaya naging professor siya (at author ng maraming libro) sa creative writing at journalism sa Asian Institute of Journa­lism at iba pang leading colleges and universities.

Si Billy ang personal mentor namin sa pagsusulat at marami kaming natutunan sa kanya.

Hanggang ngayon, buhay na buhay ang masasayang alaala with Babette, Abongga, at Billy.

Charice huli na sa pagbawi sa tatay na namatay na

Ipinagmalaki pa ni Charice Pempengco na magdamag siyang nasa puntod ng kanyang yumaong ama noong Todos Los Santos. Reaction ng mga tao, nahuli na. Hindi kasi nabalitaan na tinangkilik niya ang kanyang tatay noong buhay pa.

Kahit noong mayaman na si Charice, duda ang mga tao kung kahit na one dollar ay nabigyan ang kanyang tatay. Kahit anong pag-iinarte, wala ng epek ngayon. Meron din palang plastikadang tiboli.

Gay TV personality kaha-kahang sigarilyo lang ang puhunan sa mga boy scout na ‘kinakantahan’

Siyempre, naalala namin ang TV personality na pati mga boy scout sa kanilang tents, sinusugod upang kantahan ng walang mic. Ang puhunan lang ng artista, kaha-kahang sigarilyo na ibinibigay niya sa mga nilalamok na scouts.

Sa buong magdamag na pagod na ang kanyang mga panga, hindi man lang siya nagkagasta ng P500!

ABONGGA

ALL SAINTS

ALL SOULS

ASIAN INSTITUTE OF JOURNA

BABETTE

BALBASTRO

CHARICE

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with